Pacquiao bumawi ng husto sa ensayo
HOLLYWOOD - Bumawi si Manny Pacquiao sa isang araw na hindi niya pag-ensayo nang doble kayod ito ngunit nasiyahan sa Wild Card Gym.
Dumating si Pacquiao ng medyo late ngunit nang umakyat na sa ring at wala nang ayawan sa pagsasanay.
Nakipag-ispar si Pacquiao, na nagpahinga ng isang araw, ng anim na rounds kay Uzbek Alisher Rahimov at local boy Dave Rodela, at nagwork out ng anim na rounds sa black mitts ni Freddie Roach.
Si Pacquiao ay may timbang na 146 lbs siyam na araw bago ang laban at nakapag-ispar na ng kabuuang 140 rounds. Sa Sabado lima pa ang gagawin ni Pacquiao at sa Lunes naman ay apat bago magbiyahe patungong Las Vegas.
Umalis na si Roach noong Miyerkules ng gabi para makasama si Gerry Peñalosa na hahamunin si Juan Manuel Lopez para sa world super bantamweight crown sa Sabado (Linggo sa Manila) at babalik kay Pacquiao sa Linggo (Lunes sa Manila).
Kakaiba para kay Pacquiao ang makipag-ispar at sumuntok sa mitt ng magkasabay sa ganun kahabang oras. Ngunit ginawa niya ito at panay pa ang hiling kahit na pumipito na ang kanyang handlers.
“It was a good day. He worked when he wanted to and played when he wanted to. He was in a good mood. The day after the rest day he was in great form,” ani Roach.
Nasisiyahan si Pacquiao sa kanyang ginagawa. At kahit sa isparing madalas niyang sabihin sa kalaban na ‘hit me, hit me’ o hahayaang tamaan sa katawan sabay sabing ‘massage, massage’.
Maganda ang ipinakitang isparing ni Rodela, ngunit may pagkakataon na munti-muntikanang tumumba kapag natatamaan ng maikli nugnit mabilis na kombinasyon ng apat, lima o anim na suntok.
“A lot of punches,” wika ni Rodela matapos alisin ng kanyang corneman ang mouthguard. “He’s like Speedy Gonzales (the bristling cartoon character).”
At may pagkakataong halos habulin niya ang kanyang hininga sinabi ni Rodela na “Manny is too fast I can’t see his punches so I just close my eyes. I do the same thing but he’s just different. He’s blessed.”
Sinabi ng residente ng Oxnard, California na may magandang kuwalidad si Hatton, malakas, mabilis at agresibo, pero mas mabilis si Pacquiao. (Abac Cordero)
- Latest
- Trending