Sena, bumandera sa Licealiz

MANILA, Philippines – Hindi na nagpatumpik tumpik pa si James Sena nang banderahan nito ang 87-78 panalo ng  Licealiz Hair Doctors kontra sa Pharex Bidang Generix, sa 2009 PBL PG Flex Unity kahapon na ginanap sa Ynares Arena, Pasig City.

Maganda ang naging pa-nimula ng tropang Hair Doctors, ngunit kinailangan ang liksi ni Sena para agapan ang pagguho ng opensa sa unang yugto ng laro.

Mula sa bench, nakapaglista ang 6’6 na si Sena ng 20 points at 10 rebounds na siyang naging pangunahing sandata ng Licealiz para pasadsarin ang umaasam na Pharex Bidang Generix.

Ang matinding pwersa ni Sena ang nagdala para iahon ang koponan mula sa 21 puntos na pagkakalugmok sa unang bahagi ng laro.

Dahil dito, tuluyan ng nalaglag sa huling pwesto ang Pharex taglay ang 1-3 kartada.

Kahit pilay sa pagkawala nila Chris Tiu at JV Casio na kasalukuyang nagsasanay kasama ang ilan pang manlalaro para sa RP developmental team, kumana pa rin ang Hair Doctors para igupo ang Bidang Generix.

Sa ikalawang laro, naitumba naman ng Magnolia Purewater ang lakas ng Cobra Energy Drinkers sa iskor na 69-67.

Kahit na nasayang ng Wizards ang 12 point lead, hindi ito nawalan ng pag-asa para maluklok sa ikalawang pwesto, kasalo ang Licealiz. Pinamunuan ni Neil Raneses ang magandang play pabor sa Magnolia. (Sarie Nerine Francisco)

Licealiz 87 -- Sena 20, Convento 13, Vanlandingham 10,? Hugnatan 9, Maconocido 8, Daa 8, Saguindel 7, Viray 6,? Morial 4, Quinday 2, Espiritu 0.?

Pharex 78 -- Allera 12, Urbiztondo 12, Ross 11, Saladaga? 11, Co 10, Matias 6, Melegrito 5, Aguilar 4, Villamin 3,? Bauzon 3, Faundo 1, Canlas 0, Gerilla 0.?

Quarterscores: 23-14; 49-31; 71-52; 87-78.?

Magnolia 69 — Pascual 13, Arellano 12, Raneses 12, Torres? 8, Losentes 5, Menor 5, Amparado 4, Alcaraz 4, Hayes 4, Arao? 2, Saldua 0.?

Cobra 67 - Daroya 17, Acuna 11, Cabahug 8, Fampulme 6,? Espiritu 6, Luanzon 5, Lingganay 3, Lee P. 3, Burtscher 2.? Llagas 2, Thiele 2, Martinez 2, Fortune 0, Colina 0, Reyes? 0.?

Quarterscores: 11-7; 24-25; 47-42; 67-61.? 

Show comments