Mainit na triple bill sa Shakey's V-League

MANILA, Philippines – Salpukan ng magagaling na koponan ng liga para sa maagang abante sa first conference ang isasalang ng Shakey’s V-League sa Flying V Fil Oil Arena, San Juan City.

 Para sa opener ng triple bill play ngayon, maghaharap ang CSB at ang UP sa ganap na alas-2 ng hapon, na agad namang susundan ng engkwentro sa pagitan ng FEU at Lyceum pagsapit ng alas-kwatro ng hapon.

 Samantala, sa main game, magtatagisan ng lakas ang defending champion Adamson at three time titlist University of Santo Tomas para sa malinis na kartada sa liga sa alas-6 ng gabi.

 Asam ng Lady Falcons at Tigress ang patuloy na pamamayagpag makaraang igupo ng una ang Ateneo Ora Care sa pagbubukas ng torneo, 25-20, 25-19, 25-18, at pataubin ng huli ang last conference champion na San Sebastian sa loob ng 5 sets, 25-17, 25-19, 15-25, 13-25, 15-11.

 Ang labanan ng Adamson at UST ay mapapanood bukas ng 2-4pm NBN 4 ayon sa organizing Sports Vision.

 Inaasahang matitinding palo ang pakakawalan ng reigning MVP ng Adamson na si Nerisssa Bautista para pagharian ang laro at matatalinong play naman ang ipapamalas ni comebacking player Michelle Carolino ng UST para maiusad ang kani-kanilang koponan sa ikalalwang tagumpay para sa ligang  hatid ng  Shakeys Pizza na suportado ng Accel, Mikasa at Ora Care.

 Sasandig naman ang Lady Tams, runner up ng nakaraang UAAP season, kay guest player Tina Salak na gumawa ng magandang set plays, sapat para paluhurin ang Lady Maroons.

 Sa kabilang banda, hangad pa rin ng Lady Blazers na maiuwi ang unang panalo kontra Lady Maroons na pinangungunahan ni Maureen Penetrante, Ivy Remulla, Kathy Kwan, Ren Agero, Giza Uumang, LC Qemada, Cindy Velasquez at Zharmaine Velez.

Ngunit hindi rin patitinag ang St. Benilde na nagnanais ibandera ang husay ng mga manlalarong sila Southlyn Ramos, Rebecca Montero, May Genido, Cathy Barcelon and guest players Rubie de Leon at Danielle Castaneda. (SNFrancisco)


Show comments