Dahil sa pagmamahal sa sports, Padyak Pinoy ibabalik ni Lina

MANILA, Philippines – Sa anumang kapasidad, bilang presidente, chairman, aficionado o fan at isponsor, hindi iiwan ni Bert Lina ang sports na kanyang minahal.

Bukod sa basketball at golf, ang cycling ay isa sa minahal ni Lina at sa katunayan sinusundan niya ito partikular na ang Tour of Luzon noong kanyang kabataan.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon na makapagsilbi sa sports, kung saan naging pangulo ito ng PhilCycling noong 2003, isang taon bago naibalik nito ang maalamat na karera sa pamamagitan ng Padyak Pinoy.

At nang bitawan niya ang posisyon bilang pangulo at ngayon Chairman Emeritus siya sa governing body ng naturang sports sa bansa, muling ibabalik nito ang pang tag-araw na palaro matapos ang isang taong pagkawala. At ito ang magandang balita para sa cycling aficionados na nangangarap gamitin ang kanilang talento sa bisikleta. Ito ay ioorganisa ng Dynamic Outsource Solutions, Inc., isa sa kompanya ni LIna sa ilalim ng Lina Group of Companies.

 “Thanks to Mr. Lina, we are bringing the Padyak Pinoy back this summer with the same exciting and competitive flavor its predecessor, the Tour, has been annually providing Filipino sports fans,” wika ni DOS-I president and Tour organizer Gary Cayton.


Show comments