^

PSN Palaro

Powerade-5 vs North All-Star

-

VICTORIAS, Negros Occidental, Philippines --Ang pinakahihintay na duelo sa pagitan ng Powerade Team Pilipinas at import-reinforced PBA All-Stars, ay magbubukas na dito ngayon sa taunang PBA All-Star Spectacle, sa Victorias Gym.

Ito ay showdown, at isinantabi ang tradisyunal na free-wheeling show time, kung saan nangako ang All-Stars na bibigyan nila ng malaking hamon ang Nationals para matulungan ito sa paghahanda nila para sa FIBA-Asia world qualifier sa China sa Agosto.

Balik-aksiyon ang Nationals matapos umiskor ng two-game sweep kontra sa Australian selection sa kanilang goodwill series kamakailan.

Makakalaban ng mga bataan ni coach Yeng Guiao ang North All-Stars na babanderahan nina import Tiras Wade, Shawn Daniels at Jahmar Thorpe sa paggiya ni coach Chot Reyes sa three-leg All-Star na ang susunod na laro ay sa Panabo, Davao del Norte sa Biyernes bago tapusin ito sa Araneta Coliseum sa Linggo.

May premyong P75,000 ang naghihintay sa pang-alas-7 ng gabing bakbakan pero sinabi ni Guiao na higit nilang pagtutuunan ang tune-up na ito para mabuo ang camaraderie at mapalakas ang kanilang game para sa nalalapit na international tournament.

Ang mga miyembro ng koponan ay sina Asi Taulava, Mick Pennisi, Sonny Thoss, Kerby Raymundo, Kelly Williams, Ranidel de Ocampo, Gabe Norwood, Ryan Reyes, Willie Miller, James Yap, Jayjay Helterbrand, Jared Dillinger at Cyrus Baguio ay makakalaban sina Wade, Daniels, Thorpe, Marc Pingris, Rico Villanueva, Macmac Cardona, Paul Artadi, JayR Reyes, Gary David, LA Tenorio, Joseph Yeo at Gabby Espinas.

Hindi nakasama si Danny Ildefonso na kabilang sa North team lineup dahil nasa tabi ito ng kanyang anak na nasa ospital.

May tatanghaling Most Valuable Player sa bawat laro sa tatlong laban na tatanggap naman ng P20,000. (Nelson Beltran)

ALL-STAR SPECTACLE

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

CHOT REYES

CYRUS BAGUIO

DANNY ILDEFONSO

GABBY ESPINAS

GABE NORWOOD

GARY DAVID

JAHMAR THORPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with