^

PSN Palaro

Giants di-umubra sa Aces

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Umiskor ng back-to-back win ang Alaska Milk sa loob ng tatlong araw at itala ang ikaapat na sunod kontra sa Purefoods sa kanilang head-on na bakbakan sa season sa pamamagitan ng 80-74 panalokagabi sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Bagamat limitado ang laro ng injured center na si Sonny Thoss, nasustina ng Aces ang momentum mula sa 100-90 panalo nila sa Burger King noong Biyernes para sa kanilang 4-6 win-loss record.

Pinunan nina Rosell Ellis, Joe Devance, Jeffrey Cariaso at LA Tenorio ang pananamlay ni Willie Miller sa kanilang magandang performance na nagbigay sa Aces na mahawakan ang dominasyon kontra sa Giants ngayong season.

“It seems we always catch them at the right time,” wika ni coach Tim Cone matapos itala ang 4-0 kontra sa Purefoods, at ipalasap sa Giants ang ikaapat na pagkatalo sa gayunding bilang ng panalo.

Sa ikalawang laro, nanaig ang Sta. Lucia Realty kontra sa Barako Bull, 98-88.

Kaugnay nito, sa natatanging pagkakataon, may laro ngayong Lunes ang liga bago tumulak patungong Victorias, Negros Occidental para sa All-Star weekend bukas.

ALASKA MILK

BARAKO BULL

BURGER KING

FIESTA CONFERENCE

JEFFREY CARIASO

JOE DEVANCE

LUCIA REALTY

NEGROS OCCIDENTAL

PUREFOODS

ROSELL ELLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with