^

PSN Palaro

Mainit na magbubukas ang Shakey's V-League ngayon

-

MANILA, Philippines - Muli na namang paiinitin ng panahon ang pagbubukas ng 6th season Shakey’s V-League ngayon sa pagpalo ng twinbill ng pinakamagagaling na women’s volleyball team sa bansa sa Flying V-Fil Oil Arena sa San Juan City.

Isang maikling seremonyas ang maghuhudyat sa pagbubukas ng liga sa alas-una ng hapon.

Samantala, kikilalanin naman si Leo Prieto Sr., ang founding commissioner ng PBA at ang taong nasa likod ng International Family Food Services, Inc. (Shakey’s) at magbibigay naman ng opening remaks si Ms. Gia Gomez, ina ni Mayor JV Ejercito ng San Juan City.  

Pangungunahan ni Laurence Ann Latigay ng SSC, MVP ng nakalipas ng season ang oath of sportsmanship kasama ang team captain pagkatapos ng parada ng walong koponang kalahok sa ligang suportado rin ng Accel, Mikasa at OraCare.

Naimbitahan rin si ? US Ambassador Kristie Kenney para magbigay ng inspirational talk sa mga kababaihan at ibabahagi rin niya ang mga makabuluhang ideya tungkol sa  women power sa larangan ng sports.

 Magsisimula sa sagupaan ng mga de kalibreng koponan sa ganap na alas-dos ng hapon sa pag-haharap ng Ateneo at Adamson.

Bitbit ang malaking kumpiyansa, naniniwala ang Ateneo belles na malaking suporta ang maibibigay sa kanila ng Ora Care.

At sa dakong alas-4 ng hapon naman, mulingmasasaksihan ang mainit na engkwentro sa pagitan ng UST at San Sebastian College. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

AMBASSADOR KRISTIE KENNEY

ATENEO

FLYING V-FIL OIL ARENA

INTERNATIONAL FAMILY FOOD SERVICES

LAURENCE ANN LATIGAY

LEO PRIETO SR.

MS. GIA GOMEZ

ORA CARE

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with