PRISAA National Games papagitna
MANILA, Philippines - Mahigit 400,000 atleta mula sa 17 rehiyon ang inaasahang darating sa Naga City sa Abril 19-26 upang lumahok sa PRISAA National Games 2009.
Ang malaking event na inorganisa ng PRISAA Bicol Region Chapter ay suportado ng pangunahing wireless provider na Smart Communications, Inc. sa pangunguna ni Manny V. Pangilinan. Ang mga partsipante ay magmumula sa 360 pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa na sasamahan ng kanilang mga coach at officials. Ang PRISAA at matagal nang tradisyon, sa nakalipas na ilang dekada at henerasyon ng mga atleta.
Ang amateur boxing, na kinuha si Pangilinan bilang pangunahing benefactor nang tanggapin niya ang puwesto bilang chairman ng Amateur Boxing Association of the Philippines, ay kumuha din ng malaking suporta sa pagsisikap na maisama ito sa liga bilang demo sports ngayong taon.
Ito ay suportado din ng gobyerno sa pamamagitan ni CHED secretary Emmanuel Y. Angeles, nagbalik ng PRISAA at dating chairman of the board of Trustees.
Inaasahang dadalo si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang panauhing pandangal sa grand opening ceremonies sa Metro Naga Sports Complex sa Abril 20.
Dadating rin si Pangilinan, chairman ng SMART at PLDT, para sa Festival Parade at Opening Programs sa April 19 sa Plaza Quezon, Naga City.
- Latest
- Trending