^

PSN Palaro

Yellow jersey suot na ni Guevarra

-

BAGUIO CITY, Philippines —Hindi kilala si Mark Guevarra nang sumama ito sa 90 pang ibang aspirante sa Liquigaz-LPGMA Tour of Luzon.

Nagparamdan ng kanyang presensiya ang 23 anyos na si Guevarra, nang maghari ito sa Tagaytay-Marikina third stage na may dalawang Category 2 na akyatin.

Noong Biyernes, higit na nagpakilala si Guevarra, na nasa ikatlong tour na ngayon, nang galugarin nito ang 100km flat roads mula Cabanatuan at kunin ang trangko pagkaraan ng 20 kms ng pagpepedal sa Talavera, Nueva Ecija kung saan kasama niya ang mga contenders na tulad nina 2004 champion Rhyan Tanguilig sa 16-man breakaway group bago rumemate sa Pugo,La Union may 40 kms patungo sa Burnham Park.

Sumakay para sa Road Bike-7-Eleven team, iniwan ni Guevarra sina Ronnel Hualda at Cris Joven ng Liquigaz at Baler Ravina at Cris Mangahis ng Batang Tagaytay sa kanyang pagkawala sa bulubunduking akyatin na Marcos Highway. Pinagharian niya ang 177 kms Stage 5 sa apat na oras, 45 minutes at 50 segundo na sapat na para isuot ang yellow jersey na simbolo ng individual overall leadership.

“Taking the overall lead wasn’t really my objective,’’ ani Guevarra sa kanyang ikalawang Burlington stage victory. ``But when I felt that I had the chance to win the stage, I just grabbed the opportunity.’’

Ang tagumpay ni Guevarra sa yugto ay sapat na rin upang patalsikin si American Vinyl skipper Lloyd Lucien Reynante sa overall lead sa kabuuang oras na 19 hours, 36 minutes at 45 seconds. ?

Si Reynante, anak ng maalamat na si Maui, ayhindi lamang nadale sa malagkit na daan ngunit bantay-sarado pa kay Merculio Ramos ng My Photo na bantay-sarado at naglaglag sa ikatlong overall.

Larawan ng nananakit na binti at hita si Ramos sa Marcos Highway at nilagyan ng pain-killing lotion ng kanyang coach at nagawa pa ring makatawid sa finish line pagkalipas ang 9:26 na pagtawid ng winner na si Guevarra at kunin ang ikaapat na overall place.

Kasama niyang nagrehistro si Joseph Millanes at manatili sa ikalimang puwesto kasunod si Joel Calderon na nasa ikaanim.

Kasama sa top 10 sa individual general classification sina Geoestate-The Beacon’s Oscar Rendole, Road Bike-7-Eleven’s Tomas Martinez at Dante Cagas (9:38) at dating two-time champion Warren Davadilla ng Newton-Regasco Group.

AMERICAN VINYL

BALER RAVINA

BATANG TAGAYTAY

BURNHAM PARK

CRIS JOVEN

CRIS MANGAHIS

DANTE CAGAS

GUEVARRA

MARCOS HIGHWAY

ROAD BIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with