Tropang Texters wagi
MANILA, Philippines - Nalusutan ng Talk N Text ang tangkang pagbangon ng Sta. Lucia Realty at ilista ang 97-91 panalo sa pagpapatuloy ng Motolite PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum, kagabi.
Mula sa napakalaking bentaheng naitala ng Tropang Texters, unti-unti itong kinain ng Realtors ngunit nagawang pigilan ng Talk N Text tungo sa kanilang panalo.
Dahil sa panalong ito, naiganti din ng Tropang Texters ang kanilang 106-100 kabiguan sa Realtors sa nakalipas nilang laban, at Sta.Lucia .
Naipagpag ng Realtors ang kanilang matamlay na panimula sa unang bahagi ng laro at nanalasa sa 80-85 sa likuran ng pananalasa nina Joseph Yeo, Denok Miranda, Kelly Williams at Marlou Aquino.
Ngunit sumandal ang Tropang Texters sa clutch hits nina Macmac Cardona at Tiras Wade upang pigilan ang rally ng Sta. Lucia at masustina ang pag-akyat sa liderato.
Mainit ang panimula ng Texters nang umabante pa ito ng hanggang 34 puntos sa second quarter bagamat wala ang malalaking tao na sina Yancy de Ocampo at Rob Reyes na pawang injured.
Pinunan nina Wade at Cardona ang kakulangang ito sa kanilang pananalasa upang itala ang 61-30 abante.
Tumapos si Wade ng may 26 puntos at 21 rebounds habang nagdagdag naman si Cardona ng 19 puntos, 4 rebounds at 4 assists.
Samantala, kasalukuyang naglalaro pa ang Burger King at Purefoods habang sinusulat ang balitang ito.
Sa kaugnay na balita, malamang na maglaro ng walang import ang Barangay Ginebra kontra sa Rain or Shine nang lumagpas sa sukat si Ryan Humphrey na pumalit kay Rod Nealy.
Talk N Text 97--Wade 26, Cardona 19, Castro 17, Alapag 10, Peek 6, Dillinger 6, De Ocampo R. 4, Carey 4, Ritualo 3, Aljamal 2, Lao 0.
Sta. Lucia 91 -- Johnson 18, Yeo 16, Williams 15, Aquino 11, Reyes 9, Miranda 8, Espino 7, Gonzales 4, Coronel 3, Mendoza 0, Omolon 0, Daa 0.
Quarterscores: 33-17, 61-30, 77-59, 97-91.
- Latest
- Trending