^

PSN Palaro

Thorpe susubukan uli

-

MANILA, Philippines - Isasailalim sa matinding pagsubok si Jahmar Thorpe sa pakikipaglaban ng Purefoods Tender Juicy sa Burger King sa pagpapatuloy ng Motolite PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Sa kabilang dako, ang Talk N Text na sinalanta ng injuries kina Yancy de Ocampo at Rob Reyes noong bakasyon ng liga, ay makakaharap naman ang Sta. Lucia Realty sa unang laro bandang alas-5 ng hapon.

Nahahati ngayon ang puso ng Purefoods sa pagitan nina Thorpe at Marquin Chandler kung saan lalaro ang huli sa Giants pagkatapos makumpleto ang serbisyo sa Korean league.

Ang Giants na may 1-1 kay Thorpe makaraang yumuko sa Rain or Shine, 90-110 noong Marso 25 ay bumangon naman sa 89-80 panalo kontra sa Coca-Cola Tigers pagkalipas ng limang araw.

Sa kabilang banda, ang Realtors na nasa unahan ng Whoppers sa 5-2 marka, ay maganda ang nilalaro bagamat kalahati din ng players nila ay injured.

Gayunpaman, gumawa na ng paraan si Sta. Lucia coach Boyet Fernandez sa pamamagitan ng ilang adjustments sa kanilang play upang makabalik ang injured players sa kanilang porma. (Nelson Beltran)

vuukle comment

ANG GIANTS

ARANETA COLISEUM

BOYET FERNANDEZ

BURGER KING

COCA-COLA TIGERS

FIESTA CONFERENCE

JAHMAR THORPE

LUCIA REALTY

MARQUIN CHANDLER

NELSON BELTRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with