Nietes, Suarez nagpakitang-gilas

BANGKOK –Mainit ang naging panimula ng Smart-Team Philippines sa likuran ng tagumpay nina lightflyweight Gerson Nietes at featherweight Charly Suarez na nagpamalas ng impresibong debut at makisosyo sa host Thailand sa liderato sa 31st King’s Cup boxing tournament sa Gwangwongwan Mall dito.

Nagrally ang maliit na si Nietes, na tubong Negros Occidental, mula sa se-cond round deficit upang daigin ang agresibong si Wardie Halder ng Syria sa 54 kg. class habang dinomina naman ni Suarez si Chantasone Xayyalak ng Laos sa 57 kg. division at kapwa umabante sa susunod na round.

 Bagamat maagang umabante si Nietes, 3-2, napabayaan nito ang Sy-rian na idikta ang laban at kunin ang unang round sa 8-6 at maghabol pa sa 13-9 matapos ang dalawang rounds.

Binalaan nina national coach Ronald Chavez at Elmer Pamisa na huwag hahayaang makalayo, rumesponde naman si Nietes at isang matinding uppercut at pinagsamang bilis ng kamay ang umig-kas sa Pinoy at agawin ang abante sa kalaban tungo sa 23-19 panalo.

 Ang 20 anyos namang si Suarez ay alanganin sa panimula ng unang tatlong minuto.

Ngunit mabilis na nakabalik ang Davaoeño nang nagpakawala ng 1-2 combinations upang tuluyang gapiin ang Laotian, 12-1,

Dalawa pang Pinoy ang aakyat sa ring sa Day 2 ng aksiyon.

Magpapakitang-gilas kontra sa kalabang Thai sina flyweight Aston Francis Palicte (51 kg) at beteranong Genebert Basadre sa light welterweight class (64 kg).

Show comments