RP boxers handa na sa pagsabak sa King's Cup sa Bangkok
BANGKOK—Ibilang ang ika-31st King’s Cup boxing tournament bilang kapistahan na nararapat sa isang hari—isang bigatin at pangunahing international tournament para sa National team members ng bansa.
Sinabi ni delegation head Ed Picson, executive director ng Amateur Boxing Association of the Philippines, na pangunahing boksingero mula sa Europe at Asian countries ang magpapadala ng kani-kanilang pinakamahusay na boksingero para lumahok sa torneong ito na magsisimula ngayon.
Bagamat ayon sa balita ang Thailand ay magpapadala lamang ng kanilang second string team, dalawang koponan naman ang isasali ng host country upang masiguro na ang kanilang pagpapanatili nila sa overall championship.
Kakatawan sa Thailand sina dating welterweight Non Boonjamnong, middleweight Angkhan Chomphuphuang, lightweight Sailom Adi at flyweight Amnat Ruenroeng, lahat beterano ng Beijing Games.
Kasali din sa kompetisyon ang mga fighters mula sa Uzbekistan, Kazakhstan, Russia at powerhouse China.
Nakasandal naman ang tsansa ng bansa kina bantamweight Joan Tipon (54 kg.), light flyweight Gerson Nietes (54 kg.), flyweight Aston Francis Palicte (51 kg.), featherweight Charly Suarez (57 kg.), lightweight Joegen Ladon (60 kg.), at light welterweight Genebert Basadre (64 kg.).
Upang mapalakas ang tsansa, magbibigay ng insentibo si ABAP chairman Manny Pangilinan sa pamamagitan ni ABAP president Ricky Vargas ng halagang P30,000 para sa gold medalist, P20,000 sa silver at P10,000 sa bronze.
Kasama sa delegasyon sina coaches Ronald Chaves, International Referee/Judge Dante de Castro at Jesus San Esteban.
- Latest
- Trending
















