AUF, UNC bets dinomina ang PRISAA Regional Games
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Angeles University Foundation ang kanilang lakas sa Region 3 habang bumangon naman ang University of Nueva Caceres sa Region 5 sa magkahiwalay na Private Schools Athletics Association Regional Games kamakailan.
Hinakot ng Angeles University ang titulo sa men’s track and field, taekwondo, baseball at basketball habang ma-sweep ang men’s at women’s volleyball competition.
Nanguna din sila sa cultural side ng regional sportfest nang masungkit ang Best Muse at women’s solo singing conted sa event na ginanap sa makasaysayang lungsod ng Bulacan.
Nakisosyo sa eksena ang Wesleyan University nang makopo ang titulo sa men’s sepak takraw crown, women’s softball at badminton at walisin ang chess competitions.
Dinomina naman ng Systems Plus College Foundation ang lawn tennis tournament habang ang Republic Central Colleges at Columbian College ay nagsosyo sa karangalan sa swimming.
Sa kabilang dako, naiuwi naman ng University of Nueva Caceres, ang Bicol region sports powerhouse,ang apat na kampeonato kabilang na ang pinakaasam na men’s basketball crown, women’s chess, men’s table tennis at women’s volleyball.
Nakipaglaban din ng husto ang Naga College Foundation kontra sa UNC athletes para sa regional title matapos maghari sa men’s athletics, men’s badminton at men’s taekwondo events.
Nakopo naman ng Holy Rosary Minor Seminary ang men’s football tile habang ang Computer Communication Development Institute-Sorsogon sumungkit ng gold sa dance-sports.
- Latest
- Trending