900 paddlers sali sa UP Chancellor's Cup
MANILA, Philippines - Mahigit 900 paddlers kabilang na ang mga miyembro ng national team ang lalahok sa 11th University of the Philippines Chancellor’s Cup table tennis championships na nakatakda sa Marso 31 hanggang Abril 4 sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ang limang araw na event, na inindorso ng UP College of Human Kinetics, ay magsisilbing basehan ng pagpili ng national junior pool ng Table Tennis Association of the Philippines-Luzon chapter para sa Asian Youth Games sa Singapore sa Hunyo at World Youth Olympic Games sa susunod na taon.
Inaasahan ang paglahok ng reigning UAAP juniors champion UST at newly-crowned NCAA high school titlist San Beda sa taunang palaro na ito.
Bukod sa UP CHK Gym sa Diliman, na host ng March 31 at April 1 games, at DPS-Coseteng Gym sa Commonwealth, Quezon City sa April 2, gaganapin din ang laro sa Starmall sa Muntinlupa, Alabang sa Abril 3 at 4.
Ang taunang torneo na ito ay bahagi ng ika-100th selebrasyon ng State University at Ruby Anniversary (40 years) ng Diliman Preparatory School.
Bukod sa 24 events na nakalinya, may tatlong special event para sa ‘Liha’ (sandpaper) racket players ang lalaruin.
Ang iba pang kompetisyon ay gaganapin sa Bacolod City sa May 20-24 kung saan ang mga kandidato naman mula sa Visayas at Mindanao junior national pool ang pipiliin.
- Latest
- Trending