Airspeed Run For A Cause sa Abril 5

MANILA, Philippines - Bilang pagdiriwang sa ika-24th anibersaryo at pagsisikap na mai-promote ang malusog at balanseng pamumuhay sa mga empleyado, nagtakda ang Airspeed International Corp. nang “2009 Airspeed Runs For a Cause” sa Abril 5 sa SM Mall of Asia circuit sa Pasay City.

Gaganapin para sa benepisyo ng World Vision Metro Kids ng Alabang New Life Christian Center at Gawad Kalinga, may 2,000 hanggang 3,000 runners ang inaasahang sasalo sa 3-in-1 event- 4km, 5K open at 10k open, ang lalahok sa naturang karera.

Sinabi ni Rio dela Cruz, ang napili ng cargo-forwarding company bilang race director, na magbibigay ng cash prize, gift packs, gift certificates sa mga magwawaging top three sa lalaki at babaeng winner sa kids 3-kilometer, at Opens 5km at 10k foot race at pangunahing top age-grouper sa iba’t ibang age level ng dalawang division.

Ang registration para sa karerang suportado ng Airspeed Philippines, Airspeed Customs Brokerage, Guess, SM Mall of Asia, Philippine Airlines, Gloria Jeans, Fitness First, Nike Park, Chris Sports, Cathay Pacific, Pair Pags, Mercury Group, Timex at Shipco Sport, ay tinatanggap na sa Nike Park, Bonifacio High Street, Fort Bonifacio, Taguig City at GGB Bldg. Pascor Drive, Sto. Niño, Parañaque City.

Para sa ilang detalye, bisitahin ang www.gtcsports.net, www.airspeed.com.ph, www.runrio.com at www.finishline.ph.

Show comments