MANILA, Philippines - Susulong na ang Pad-yakan sa Batangas Eh!, ang tagisan ng mga magigiting na siklista ng bansa.
Ang Padyakan sa Ba-tangas Eh! ay isinasagawa ng probinsiya ng Batangas upang ipatupad ang programa sa palakasan at turismo.
Tinatayang may 120 riders ang mag-uunahan sa tatlong araw na karera mula Mayo 23-25.
Nagsisilbing karugtong ng sinimulang Tour de Taal ng probinsiya, mas pinalawak ngayon ng probinsiya ng Batangas ang naturang karera kung saan kasali ang buong 32 lalawigan na kinabibilangan ng iba’t ibang tourist destination ng probinsiya na siyang dadaanan ng mga silkista.
Ang Padyakan sa Batangas Eh! ay inorganisa ng Batangas Provincial Tourism Office at may basbas ng Philippine Cycling Federation (PhilCycling).
Ang pagpapalista ay bukas sa lahat ng interesadong siklista. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan o i-text si race director Pepe Chavez sa 09276967671.