^

PSN Palaro

Sports Bilang Karapatang Pantao

GAME NA! - Bill Velasco -

Sa panahon ngayon, mahirap gunitain na may mga komunidad na hindi pa nararating ng sports. Kung sa pinakakawawa’t liblib na pook sa Africa, nararating ng satellite TV.

Dito sa Pilipinas, nakagugulat na may mga lugar na hindi pa naratating man lang ng kahit anong sports clinic. Pero sa katapusan ng Abril, mababawasan ang mga lugar na iyon.

Noong Enero, sumulat ang Human Rights Community Development Programme ng Commission on Human Rights of the Philippines kay Rev. Fr. Bienvenido Nebres, SJ, pangulo ng Ateneo de Manila University, sa pamamagitan ni Ricky Palou, ang athletics director ng unibersidad. Sa liham ibinunyag ni CHR national program manager, Virginia B. Dandan, ang isa sa kanilang mga malubhang suliranin.

“It has long been established and acknowledged that indigenous populations in many countries are particularly vulnerable to human rights deprivations and abuses, and the Philippines is no exception,” simula niya. “Indigenous peoples themselves identify the human rights issues they confront in their daily lives and that are bariers to their development.”

Ipinaliwanag ni Gng. Dandan ang suliranin ng mga Kankana-ey sa Kibungan, Benguet. Bagamat 69 kilometro lamang ito mula sa Baguio City sa mapa, dahil mabato ang lupa na daraanan at mahigit limang oras ito kung tatahakin.

Dadag pa sa sulat ni Gng. Dandan na labis ang kahirapan doon, at kung gaano kababa ang moral ng mga bata, dahil ang hilig nila sa sports ay di natutugunan. Karaniwan silang tinatalo ng mga karatig-pook, lalo na sa basketbol.

“The idea of a basketball clinic being held in Kibungan is almost preposterous, certainly radical, a daunting challenge to any sports outreach program,” pag-amin ni Dandan. “Still, Kibungan is authentic rural grassroots and helping the young people of Kibungan learn the proper way to play the game of basketball will give new meaning to the notion of “outreach”, promoting among the youth and the community, a love of the game and instilling the values in sports: a healthy self-esteem, teamwork and camaraderie, a sense of responsibility and fair play.”

Mapalad ang CHR na ang anak ni Gng. Dandan ang namumuno ng Ateneo program na si Coach Ricky Dandan.

“Una, paano ako hihindi sa nanay ko,” ngiti ni Dandan. “But kidding aside, this is what the Ateneo Basketball School is all about and we will gladly travel to Kibungan and share our knowledge with the youth there. Ito ang tawag sa amin.”

Siyam na coach ng ABS ang bibiyahe sa Kibungan, dala ang mga bola at 300 Ateneo UAAP championship t-shirt at jerseys na bigay ng adidas. Di nila alam ang sasalubong sa kanila, subalit ang sigurado ay maglalaro sila at magtuturo sa init ng araw, at matitikman ang buhay ng mga kababayan nating napag-iwanan ng sibilisasyon. Kung sabagay, ganito din ang pinagdaanan ng mga Amerikanong nagdala ng basketbol dito, mahigit isang daang taon na ang nakalilipas.

“Nakakagulat na may mga lugar sa atin na hindi pa natututunan ang larong pinakamamahal natin,” dagdag ni Dandan. “These situations make us grateful we are able to do what we do.”

Sa ika-sampung taong anibersaryo ng Ateneo Basketball School, mas malayo ang kanilang mararating, sa kaibuturan ng bulubundukin ng Benguet.

***

Ang Beach Football Association of the Philippines ay may darating na patimpalak: Subic mula Abril 25 hanggang 26; Naga mula Mayo 2 at 3, at ang national championships sa Cebu, Mayo 9 at 10. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan si Rea Villa sa 0915-871-4952.

ABRIL

ANG BEACH FOOTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ATENEO

ATENEO BASKETBALL SCHOOL

DANDAN

GNG

KIBUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with