Barangay Ginebra nakabangon na
MANILA, Philippines - Tinapos ng Barangay Ginebra ang kanilang five-game losing skid nang igupo nila ang Barako Bull, 111-103 kagabi sa Panabo Multi-Purpose, Tourism, Cultural and Sports Center sa Panabo, Davao del Norte.
Nagtulong-tulong sina Rod Nealy, Ronald Tubid at Jayjay Helterbrand na umiskor ng double digit at masustina ng Kings ang kanilang init at masungkit ang unang panalo sa nakalipas na 24 araw.
Binanderahan nina Nealy (29 puntos), Tubid (29) at Helterbrand (23) ang mainit na pananalasa ng Ginebra upang makabalik ang Kings sa winning track patungo sa mahabang bakasyon ng liga.
Bunga ng panalo, nakatabla ang Kings sa kanilang biktima at sa Alaska Milk sa ikapitong puwesto na magkakatulad na 2-5 win-loss card.
Naiwan naman ang Coca-Cola sa hulihan na may 1-5 marka.
Magbabakasyon ang season-ending tourney ng 14 na araw upang bigyan-daan ang RP-Australia goodwill series at Mahal na Araw.
Ang unang pagtatag-po ng Philippines at Australia ay sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa Biyernes sa Araneta Coliseum. Ang ikalawang pagtatagpo naman ay sa Palm Sunday sa Big Dome din.
Magpapatuloy naman ang Fiesta Conference sa Easter Sunday sa pagta-tagpo ng tournament leader San Miguel Beer at Rain or Shine at Coca-Cola vs Alaska.
Babalik naman sa aksiyon ang Ginebra sa Abril 17 kontra sa Rain or Shine.
Bago ang mahabang bakasyon, nagtrabaho ng husto ang Kings, at domi-nahin ang Energy Boost-ers sa halos kabuuan ng laro sa isang yugto ng PBA Phoenix Fuel on Tour.
Pinamunuan naman Barako Bull import Scooter McFadgon ang Energy Boosters sa kan-yang 19 puntos.
Ginebra 111 -- Nealy 29, Tubid 29, Helterbrand 23, Artadi 9, Reavis 7, Pacana 7, Mamaril 3, Wilson 2, Intal 2, Lanete 0.
Barako Bull 103 -- McFadgon 19, Espinas 17, Chan 14, Hubalde 11, Sharma 10, Najorda 9, Juntilla 9, Ybanez 6, Rodriguez 4, Crisano 4, Duncil 0, Membrere 0, Hrabak 0.
Quarterscores: 29-25, 59-43, 91-73, 111-103.
- Latest
- Trending