^

PSN Palaro

Bago City vs Cebu City para sa overall title

-

ORMOC City, Philippines - Isa sa pinakaaabangang semifinal match-up sa pagitan ng Bago City at Cebu City ang nagtapat nang pigilan ni Rogen Ladon ang Cebuano fighter na si Rodel Yap sa 1st Smart/ABAP Visayas Area Amateur Boxing Championships dito.

Kumakampanya sa Junior Boys’ 48 kg class, kapwa pumasok sa semis sina Ladon at Yap nang pigilan nila ang kani-kanilang kalaban noong Martes ng gabi sa bayan ng Kananga.

Piniga ng husto ng kaliweteng si Ladon si Yap mula sa opening bell, bago pinabagsak ang Cebuano sa malakas na left straight na nagpuwersa sa reperi na itigil ang laban may 1:27 pa ang nalalabi sa first round.

Kasalukuyang nakikipag-palitan ng kamao si Ladon sa mas malaking kalaban sa katauhan ni Espiridon Pubadura ng Iloilo sa Finals habang sinusulat ang balitang ito kagabi.

Gayunpaman, may rason na magdiwang ang Cebu nang apat na boxers nila ang nakapasok sa finals.

Naungusan ng 13 anyos na si Jack Tepora ng Cebu City-A si Feljun Tadeo, 12-2 sa kanilang 38.5 kg bout habang nakapasok naman si Edu Serrano ng Cebu City-B sa kampeonato sa pamamagitan ng RSC-Outclassed decision kay Jason Redondo ng Ormoc, may 0.21 ang nalalabi sa kanilang third round match sa 50 kg.

Nalusutan naman ni Anthony Sabalde ng Cebu City si Neil Bryan Unay ng Northern Samar, 26-20 sa 48 kg. Youth Boys at namayani naman si Danlou Codilla ng Cebu City-A sa pamamagitan ng walked over kay Joselito Peña ng Cebu City-B sa 41.5-43 kg. class.

Umalis ng Ormoc City Plaza ang Bago City nang malinis makaraang magwagi si Neil Tambanillo kay John Michael Giray ng Northern Samar, 20-1 sa Kids division at Ronnel Tagamolila laban kay Aladin Figueroa ng Bacolod City sa 29 kg bout.

Sinamahan naman ni Gedlon Cordova ang kanyang mga kababayang taga Bago City sa championship round makaraang igupo si Aehman Sadiva ng Iloilo City sa pamamagitan ng RSC-O may 1:20 pa ang nalalabi sa second round.

Ang iba pang nagwagi ay sina Alvin Sibugan ng Bacolod kontra kay Idelfonso Manzano, Jr. ng San Carlos City (17-10); Espiridion Pubadura ng Iloilo kontra kay Michael Duazo ng N. Samar (18-15) at Jason Concepcion ng N. Samar na nanaig kay Angelito Morales ng Ormoc City via RSC may 1:24 ng third round.

vuukle comment

AEHMAN SADIVA

ALADIN FIGUEROA

ALVIN SIBUGAN

BAGO CITY

CEBU CITY

CEBU CITY-A

CEBU CITY-B

CITY

LADON

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with