MANILA, Philippines - Idaraos ng Cycling Organizers Asso. of the Phils., Inc. (COAP) at ng Cagayan Export Zone Authority (CEZA) ang kanilang 2nd at final na elimination round sa Marso 22 sa UP elliptical circle.
Ang nasabing elimination ay preparasyon para sa anim na araw na cycling events sa May 10-16 na hatid ng CEZA na tatawaging Tour de Cagayan.
Umabot sa 27 siklista ang seeded sa 1st elimination race na ginanap sa Nasugbu, Batangas patungong Alfonso, Cavite nitong Marso 1.
Nakataya ang cash prize para sa limang finishers at inaasahang aabot sa 70 siklista ang maglalaban-laban sa major event.
Ang sinumang aspirante na nagnanais na sumali ay magparehistro lamang sa No.128 Anonas Ext. Sikatuna Village, Quezon City hanapin si Mr. Susing Pascual sa cel no. 09156100667.