MANILA, Philippines - Labing-dalawang manlalaro sa Asian ang nagpakita ng interes na sasabak sa unang pagtatanghal ng Subic-Olongapo Open Pool Championship sa Abril 18-23.
Pito sa nasabing 12 manlalaro sa Asia ang manggagaling sa Indonesia,tigalawa naman mula sa Japan at Malaysia at isa sa Thailand ang kauna-unahang bisitang manlalaro na lumagda para sa prestihiyosong ten ball event na inorganisa ng Raya Sports at sanctioned ng Asian Pocket Billirads Union (APBU).
Ang mga manlalaro mula sa Indonesia ay sina Ricky Yang, S. Bewi, M. Sulfikri, Jimmy Jusman, William Ipaenem, Rudi Susanto at Imran Ibrahim; mula sa Japan sina Kenji Taguchi at Ryousuke Muruka; at sa Malaysia sina Amir Ibrahim at Benjamin Lee; at ang galing sa Thailand ay si Amnuay Porn Chotipong.
Ang unang yugto ng 2009 Philippine Pool Tour--Subic-Olongapo Open ay magkakaroon ng dalawang stages. Stage 1--elimination round na lalaruin sa Star Billiard Center sa Quezon City mula Abril 18-19 at ang Stager 2--ang main tournament na gaganapin sa Oliongapo City Convention Center sa Olongapo City mula Abril 20-23.
At mula sa 13 foreign bets, pito rito ang nag-qualified para sa main tournament base na rin sa kani-kanilang national ranking at huling performance sa PPT.
Kabilang rito sina Yang, Bewi, Sulfikri, Taguchi, Amir, Lee at Chotipong. Ang iba pang anim na foreign players ay lalahok sa Stage 1 upang makakuha ng puwesto sa main tournament.