^

PSN Palaro

Gagawin ng PHILTA ang lahat para sa RP netters

-

MANILA, Philippines - Hanggat maaari ay gagawin ng Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) ang lahat para makakuha ng bentahe sa pagdayo ng Pakistan team para sa second round ng Davis Cup Asia Oceania Zone Group II tie.

Sinabi kahapon ni PHILTA Administrator Randy Villanueva na pag-aaralan pa nila kung saang venue gagawin ang naturang labanan ng mga Filipino netters kontra sa mga Pakistanis.

“Tinitingnan natin kung sino ‘yung mga players na posibleng ipadala nila,” wika ni Villanueva sa Pakistan. “Last time na nakita natin sila, may mga players silang familiar sa fast surface. So sa slower surface natin sila paglalaruin.”

Nakuha ng bansa ang pagkakataong hawakan ang labanan ng RP at Pakistan team makaraang sumulat ang International Tennis Federation (ITF)  at Davis Cup executive director Paul Smith sa PHILTA na nagsasabing sa Pilipinas na idaraos ang duwelo.

Isang terrorist attack laban sa bumibisitang Sri Lankan cricket team sa Pakistan ang sinasabing dahilan ng pagbabago ng desisyon ng ITF.

“Tinitingnan natin kung ilalaro natin sa slower surface. Siyempre, tinitingnan din natin ‘yung mga players natin how are they also familiar with the slower surface,” wika ni Villanueva sa engkuwentro ng mga Pinoy at Pakistanis.

Inaasahang ipaparada ng Pakistan si world No. 296th Aisam Qureshi, namayagpag sa kanilang 4-1 pagdomina sa Oman sa kanilang Davis Cup tie.

Muli namang babanderahan nina Fil-Ams Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey, nagbida sa 4-1 tagumpay laban sa Hong Kong sa opening tie noong Marso 6-8, ang Nationals sa labanang nakatakda sa Hulyo 8-10.

 Ang mananalo sa pagitan ng RP-Pakistan duel ang siyang aabante sa finals laban sa mananaig naman sa pagitan ng Indonesia at New Zealand. (Russell Cadayona)

ADMINISTRATOR RANDY VILLANUEVA

AISAM QURESHI

DAVIS CUP

DAVIS CUP ASIA OCEANIA ZONE GROUP

FIL-AMS CECIL MAMIIT

HONG KONG

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

NATIN

NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with