^

PSN Palaro

PSNgayon, paborito mula noon hanggang ngayon

SPORTS - Dina Marie Villena -

O di ba, 23 taon na ang Pilipino Star NGAYON and still going strong!

Pero ang pagiging matatag namin ay lahat galing sa inyong mga readers na hindi nagsasawang bumibili at nagbabasa ng PSNGAYON.

Kaya naman patuloy ang ginagawa at pagpapaganda ng aming diyaryo upang higit na maging interesting sa inyo at higit kaming makapagpatuloy sa pagbibigay sa inyo ng mga totoong impormasyon.

Bahagi ng kolum kong ito ay ilang panayam sa mga masusugid na readers ng PSNgayon na ayon na rin sa kanila ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay mula sa ilang sports page fanatic readers.

Nolan Bernardino: 31 years old at director ng Sports Vision: Gusto ko ang PSNgayon kasi: “Very informative at maayos ang pagkakasulat ng balita sa wikang Tagalog at siyempre being a sportsman, sports page ang una kong binabasa.” 

Mayette Delgado-Gonzales, housewife: “High School pa lang ako ito na ang binabasa ko. Almost 23 years na rin akong nagbabasa nito at naging project ko na ito since high school days hanggang nakapagtrabaho at ngayon ay nakapag-asawa na ako. Editorial page, sports page at mistery files ang favorite kong basahin. In fact pati mga pamangkin ko ngayon sa PSNgayon nagrerely ng mga project like editorials and sports. Very informative talaga.”

Franny Omampo, sports fanatics: “ Ito na ang diyaryo namin dahil ito ang laging binibili ng tatay ko. Weird man sabihin pero ang sports page ang una kong binabasa even sa mga broadsheet. Pagkatapos ng sports page, entertain-ment naman ang babasahin ko and then the front page dahil very interesting ang mga headlines na siyang bubulaga agad sa iyong paningin. Gusto ko rin ang showbiz and politics”

Arsenio Cadahig, 72 yrs old retired office worker: “Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakabasa ng PSNgayon. Kasama na ito sa daily routine ko pagkagising pa lang. Buong diyaryo ang binabasa ko back-to-back pero siyempre mas interesado ako sa sports page. Talagang tinututukan ang lahat ng sports news dito.”

Ernie Balisi, tricycle driver: “Siyempre PBA stories ang binabasa ko sa PSNgayon na paboritong dyaryo ng mga kapwa ko tricycle drivers. Enjoy na enjoy akong basahin lalo na kung nananalo ang Ginebra team ko.”

Kulang po ang espasyo natin para ma-accomodate ang lahat, kaya pasasalamatan ko na ang lahat ng tagasubaybay ng Pilipino Star Ngayon sa kanilang walang sawang pagt-angkilik.

Hanggang sa mga susunod pang taon.

***

Happy 23rd anniversary sa ating lahat dito sa PSNgayon!

Pagtutuwid: Si Gabe Norwood ng Rain or Shine ay hawak ng isang US agent at si Mark Chan ang nagrerepresent sa kanya dito sa Pilipinas at hindi ang player-agent na si Charlie Dy, sa istoryang lumabas noong Marso 16 na bahagi ng aming anniversary issue.

ARSENIO CADAHIG

CHARLIE DY

ERNIE BALISI

FRANNY OMAMPO

HIGH SCHOOL

MARK CHAN

PAGE

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with