^

PSN Palaro

Women in Sports, hihirit ngayong 2009

-

Sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong Marso, ang mga atleta at empleyadong kababaihan ng Philippine Sports Commission ay makikilahok sa mga lecture seminar ukol sa kalusugan, pagpapaganda, kabuhayan, pamilya at karapatang pangkababaihan.

“With the continuation of the Women in Sports program this year, the PSC is united with all sectors in proclaiming the important role of women in the family and the nation as the nurturing hand in crafting future champions and leaders, “ ayon kay Olympian at Commissioner Akiko Thomson, tagapamahala ng programang pangkababaihan ng naturang ahensya.

Gaganapin sa Badminton Hall tuwing Biyernes ng Marso ang mga sumusunod: beauty and wellness make-over, medical check-up, basic yoga and belly dancing at lectures ukol sa inspirational devotion, kalusugan at pamilya, karapatang pambabae atpb. Nagkaroon din ng libreng pap smear at breast ultrasound sa Philippine Center for Sports Medicine.

Ang mga activities ay suportado nina Bong Coo, Cecilio Pedro ng Lamoiyan Corporation (Hapee Toothpaste), ng Ever Bilena, Philcare Manpower Services, Unilever, “Women’s Health” ng Summit Media, Qualipure Water System at Sanofi-Aventis, Inc.

Samantala, nagtungo ang mga babaeng empleyado sa World Trade Center noong nakaraang Linggo para sa Go Negosyo – Babae, Yaman Ka ng Bayan na nagtatampok ng mga “success stories” upang mabigyan ng inspirasyon ang mga kababaihan na labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

BADMINTON HALL

BONG COO

CECILIO PEDRO

COMMISSIONER AKIKO THOMSON

EVER BILENA

GO NEGOSYO

HAPEE TOOTHPASTE

INTERNATIONAL WOMEN

LAMOIYAN CORPORATION

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with