^

PSN Palaro

Tigers yuko sa Tropang Texters

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Bumangon ang Philippine Cup champion Talk N Text mula sa pagkakabaon at nagsanay ng husto upang hindi mapag-iwanan sa kasalukuyang Motolite PBA Fiesta Conference, nang ilista ng Tropang Texters ang 133-111, panalo laban sa Coca-Cola sa Cuneta Astrodome.

Kumamada si import Tiras Wade ng 38 puntos at nag-ambag naman ng 26 puntos si Jimmy Alapag nang ilista ng Tropang Texters ang kanilang unang panalo sa tatlong panimula sa reinforced tourney at 3-on-3 kontra sa Tigers sa season.

“As I have said I expected to lose our first two games because we didn’t have enough practice going to war and the two teams we played had long been practicing for the tourney. We’re a little confident going into this game because we had a week to prepare,” wika ni Talk n Text coach Chot Reyes.

“After our last game (against Sta. Lucia), we didn’t take a break. Instead, we had very hard practices. We went back to fundamentals and really worked hard,” ani Reyes.

 Nagtala ng signipikanteng numero sina Jared Dillinger, Mark Cardona at Ali Peek para sa Tropang Texters nang bugbugin nila ang Tigers sa ikaapat na quarter at hatakin ang panalo.

Gayunpaman, bagamat umupo ng ilang minuto si Wade, nakontrol ngTropang Texters ang laban.

 Tumirada si Alapag ng dalawa sa kanyang limang tres sa atake ng Talk N Text matapos makalayo sa 89-87 sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Ang maliksing si Alapag ay kumana ng 5-of-10 mula sa arko at humugot ng 6 assists at 2 rebounds sa loob ng 35 minutong paglalaro.

“We just didn’t want to fall in a deeper hole,” ani Alapag matapos ang laro.

Samantala, magdedebut si Jai Lewis bilang import ng Rain or Shine sa kanilang laban kontra sa Alaska ngayong alas-6 ng gabi sa Ynares Sports Center sa Pasig.

Si Lewis, na kakampi ni Fil-Am Gabe Norwood sa George Mason University, ay dumating noong Linggo mula sa Japan kung saan naglaro ito para sa Rera Kamuy Hokkaido team.

Samantala, baka huling laro na rin ni Galen Young sa Linggo dahil darating na ang orihinal na import ng Alaska Aces na si Rosell Elis.

Natapos na ni Ellis ang kanyang obligasyon sa Australian league.

ALAPAG

ALASKA ACES

ALI PEEK

AS I

CHOT REYES

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CONFERENCE

FIL-AM GABE NORWOOD

TALK N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with