^

PSN Palaro

Paghatol Sa Cebu

GAME NA! - Bill Velasco -

Mahalagang sangandaan ang labanang “Hatol: Judgment at the Waterfront” na gaganapin sa Sabado sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City.

Tatangkain ni Z Gorres na makuha ang bakanteng WBO Oriental bantamweight title.

 Matapos labanan sa isang draw ang kinatatakutang si Vic Darchinyan noong Pebrero ng 2008, binugbog ni Gorres si Nick Otieno sa isang unanimous decision.

Makakalaban niya si Roberto Carlos “Mako” Leyra, isang Mexican na mahilig sumugal sa loob ng ring. Si Leyra ay may kartang 25 panalo (20 ang knockout) na may kasamang 8 talo. Natalo siya sa huling dalawang laban niya.

 Sa pinakahuli, talo siya ng unanimous decision kay Benjamin Garcia. Bago iyong, pinatulog siya sa ika-apat na round ni Edgar Sosa sa title fight para sa WBC light flyweight championship.

Naging matunog ang pangalan ni “The Dream” matapos kayanin si Darchinyan, na kakatikim pa lamang ng unang talo kay IBO at IBF flyweight champion Nonito Donaire, Jr. Mas komportable talaga si Gorres sa 118 pounds, at nangakong maganda ang ipapakita niya.

Magpapasikat din si Milan Melindo pag hinarap niya ang dating IBF world champion na si Muhammad Rachman. Si “Milenyo” - na binansagan sa isang malakas na bagyo, ay wala pang talo sa 17 panalo na may 5 knockout.

Si Melindo naman ay maingat at kung minsan, mabagal magsimula. Magaling siyang maghanap ng tiyempo, at maingat sa paghahanap ng knockout.

Kaya niyang lumaban ng matagalan, at kaya ring sumuntok ng biglang buhos. Noong Oktubre, pinatumba ni Melindo si Juma Fundi upang tanghaling WBO Asia-Pacific minimumweight title, kung saan siya mas komportable.

Sa edad na 37, malapit na matapos ang karera ni Rachman, pero mapanganib na kalaban. Sa rekord ng lumaban. Nawala ang kanyang titulo nang labanan niya ang Pinoy na si Florante Condes sa Jakarta noong Hulyo, 2007.

Masakit na pagkatalo iyon kay Rachman, dahil napahiya siya sa harap ng mga kababayan niya. Nalusutan naman niya si Edren Dapudong sa isang unanimous decision noong nakaraang Hulyo. Iyon ang unang talo ni Dapudong matapos ang walong panalo.

Pakay ni Rachman ay patulugin si Melindo at habulin si WBO minimumweight champion Donnie Nietes. Bentahe lang ni Melindo ay ang kamalasan ni Rachman tuwing lumalaban sa labas ng Indonesia. Hindi pa siya pinapalad na manalo.

Sa “Hatol” din magbabalik si dating WBO Oriental bantamweight champion Michael Domingo. Domingo, na nagpatulog sa dating karibal ni Gerry Peñalosa na si Ratanachai Sor Vorapin noong Setyembre.

Nakitaan siya ng Hepatitis B sa US, at napilitang kumuha ng medical leave. Kalaban niya si Monico Laurente, na may karaniwang eight-win, four-loss record.

 Si Domingo ay isang beteranong mautak sa loob ng ring, na may saradong depensa. Hinahalintulad niya ang sarili kay Bruce Lee, isang idolo niya. Bago siya napilitang magbakasyon, naipanalo niya ang huling anim niyang laban, ang huling tatlo sa pamamagitan ng knockout.

Mahal na mahal si Domingo ng mga taga-Cebu, dahil matagal siyang nabaon sa limot at di nabigyan ng pagkakataon hanggang sa napunta siya sa ALA Gym.

 Doon, naalagaan siya’t iginalang ang kanyang abilidad.

BENJAMIN GARCIA

BRUCE LEE

CEBU CITY

DOMINGO

DONNIE NIETES

EDGAR SOSA

MELINDO

NIYA

RACHMAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with