^

PSN Palaro

Kabiguan kay Pacquiao nararamdaman na ni Dela Hoya

-

Ngayon na nararamdaman ni Oscar Dela Hoya ang epekto ng kanyang eight-round TKO loss kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.

Sa isang boxing promotion sa HP Pavilion sa San Jose, California, inulan ng pagkutya ang world six-division champion ng 6,765 bilang ng manonood nang ipakilala bilang promoter ng nasabing 11-bout card.

Ayon sa 36-anyos na si Dela Hoya, nalalapit na ang araw ng kanyang pagdedesisyon kung ipagpapatuloy ang kanyang makulay na professional boxing career o tuluyan nang tututukan ang pagpapatakbo ng kanyang Golden Boy Promotions.

“What’s next is to make that final decision,” wika ni Dela Hoya sa panayam ng The Sacramento Bee. “It’s very difficult to really come out with a conclusion. But hopefully I’m getting near and I think I’ll make the right one very soon.”

Sa kanilang “Dream Match”, umiskor si Pacquiao ng isang eight-round TKO laban kay Dela Hoya sa kanilang non-title welterweight fight noong Disyembre 6 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos nito ay kinutya rin si Dela Hoya sa press conference ng Juan Manuel Marquez-Juan “Baby Bull” Diaz sa Houston, Texas ng mga boxing fans.

“I don’t know, man,” wika ni Golden Boy matchmaker Eric Gomez. “I guess they don’t like the losing. I don’t know. He lost the (Pacquiao) fight; that’s it. He’s still a great champion and he still has a great number of people that love him.”

Sa kanyang kabiguan sa 30-anyos na Filipino world four-division titlist, nalaglag ang win-loss-draw ring record ni Dela Hoya sa 39-6-0, kasama rito ang 30 KOs.

Noong Mayo 5 ng 2007, natalo si Dela Hoya kay American Floyd Mayweather, Jr. via split decision bago umiskor ng isang unanimous decision sa kanilang duwelo ni Steve Forbes kasunod ang pagsuko kay Pacquiao. (Russell Cadayona)

AMERICAN FLOYD MAYWEATHER

BABY BULL

DELA HOYA

DREAM MATCH

ERIC GOMEZ

GOLDEN BOY

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GRAND GARDEN ARENA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with