^

PSN Palaro

St. Benilde, LSG NCAA overall champ

-

MANILA, Philippines - Tinanghal na kauna-unahang paaralan sa dekada ang DLSU-College of St. Benilde at La Salle Green Hills na kumupo ng general championships para sa junior at senior division ng katatapos na Season 84 ng National Collegiate Athletics Association (NCAA).

Ang back-to-back champion na Blazers ay nakaipon ng kabuuang 368 puntos na tinampukan ng first place finish na may 40 puntos sa chess, women’s at men’s table tennis at taekwondo, at second place finish (30 points) sa women’s volleyball, swimming, lawn tennis at women’s beach volley.

Nagtersera din ang CSH sa men’s volleyball at football 4th place sa track and field at 6th place sa basketball.

Tinalo ng Taft-based school ang San Beda College, na nagtapos na may 318 puntos para sa overall title habang ang Letran ang ikatlo na may 315 puntos kasunod ang San Sebastian College (231), Philippine Christian University (166), Perpetual Help (144), Mapua (143) at Jose Rizal University (92).

Para naman sa Junior Blazers, nasungkit nila ang high school championships makaraang dominahin ang track and field event para sa kabuuang 290 points, at daigin ang SSC Staglets (240) at Letran Squires (210).

Pang-apat naman ang Perpetual Altalettes (168), kasunod ang San Beda Red Cubs (166), Mapua Red Robins (56) at JRU Light Bombers (55).

Bukod sa track and field, napagwagian din ng LSGH, na magdiriwang ng kanilang 50th Golden Jubilee ngayong taon, ang kampeonato sa swimming, football at lawn tennis, third place sa volleyball at chess, at fourth place sa basketball at table tennis.

Ito ang ikatlong overall general championship ng St. Benilde habang ikaapat naman para sa La Salle Greenhills.

COLLEGE OF ST. BENILDE

GOLDEN JUBILEE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUNIOR BLAZERS

LA SALLE GREEN HILLS

LA SALLE GREENHILLS

LETRAN SQUIRES

LIGHT BOMBERS

MAPUA RED ROBINS

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with