MANILA, Philippines - Babandera ang mga pangunahing marathoners ng bansa sa 10th DZMM Takbo Para sa Kalikasan sa Linggo, Marso 8 sa Quirino Grandstand sa Manila.
Mangunguna sa men’s 10 km race sina two-time Milo Marathon national champions Eduardo Buenavista at Cresencio Sabal.
Sina Buenavista at Sabal ay hahamunin nina Rene Herrera, Jujet de Asis, Bernardo Desamito at Alley Quisay.
Sa kababaihan, inaasahang patuloy na magrereyna si Mercedita Fetalvero sa 10K race kontra sa mga kalaban na sina Marciel Maquilan at Ailene Tolentino.
May kabuuang P80,000 ang nakalaan para sa 10K, 5K at 3K running events at iba pang special awards.
Magbebenipisyo sa karerang ito ang La Mesa Watershed na patuloy ang rehabilitasyon.
Inimbitahang magpaputok ng starting gun sina Vice President Noli de Castro at Manila Mayor Alfredo Lim.