^

PSN Palaro

Ginebra at Burger King mag-uunahan sa liderato

-

MANILA, Philippines - Maagang mag-uunahan sa liderato ang Barangay Ginebra at Burger King (dating Air21) sa pagpapatuloy ng Motolite PBA Fiesta Conference sa Cuneta Astrodome ngayon.

Kapwa naghahangad na mapanatili ang momentum sa magandang panimula, nakatakda ang bakbakan ng dalawang koponan sa tampok na laro ng double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Mauna rito, maghaharap naman ang Barako Bull at Coca-Cola sa ganap na alas-4:50 ng hapon para sa unang linggo ng aksiyon na ipinatutupad na ang ‘hand check’ rule. 

Naitala ng Titans ang kanilang unang panalo laban sa Sta. Lucia Realty 96-87 sa Dumaguete City, habang iginupo naman ng Kings ang Coca-Cola Tigers 110-103 noong Miyerkules.

Pabor ang mga coach sa bagong rule na sa mga offensive players na ang depensa ay gagamitan ng kanilang paa at hindi ng kamay.

Sinang-ayunan ni Ginebra import Rod Nealy ang batas na ito nang kumana siya ng 42 puntos sa pagbitbit sa Kings laban sa Tigers.

Problema na lamang ng Burger King kung sino ang makakatapat para mapigilan si Nealy.

“This is precisely why we brought him back. He can score, he works hard, and he’s got good attitude,” wika ni Uichico sa 6-foot-5 na si Nealy, tinulungan ang Gin Kings na makapasok sa quarterfinals series ng naturang torneo noong 2007 bago sila tinalo ng San Miguel Beermen, 2-1.

Bukod kay Nealy, muling aasahan ng Ginebra sina Jayjay Helterbrand, Sunday Salvacion, Eric Menk, Paul Artadi at mga bagong hugot na sina JC Intal, Chico Lanete at Doug Kramer para pigilan sina balik-import Shawn Daniels, Arwind Santos, Gary David, Cyrus Baguio, JR Quiñahan at Wynne Arboleda.

Hindi naman ipantatapat ng Titans ang kanilang import na si Shawn Daniels dahil mabagal ito kumapara sa bilis ni Nealy.

Samantala, wala pa ring import ang San Mguel Beer dahil hindi pa nakakakuha ng release papers si Nate Carter mula sa St. Etianne team na kanyang nilaruan sa French League.

Sa kaugnay na balita, kasalukuyang naglalaban naman ang Sta. Lucia Realty at Talk N Text sa Ynares Sports Arena sa Pasig, habang sinusulat ang balitang ito. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

CHICO LANETE

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

LUCIA REALTY

NEALY

SHAWN DANIELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with