5 shooters pumasa sa Youth Olympics qualifying

MANILA, Philippines - Limang batang shooters ang nakalusot sa qualifying mark para sa Youth Olympics sa Singapore sa ginanap na 2nd Mayor Freddie Tinga championships sa PNSA/Marine shooting range sa Taguig City.

Kinokonsiderang pinakamalakas na lineup ng hinaharap, ang limang qualifiers, na ang pinagbasehan ay ang kanilang preliminary scores ay sina, Carina dela Victoria, Mark Manosca, Dianne Nicole Eufemio, Mica Padilla at Jayson Valdez.

Nakopo nina Dela Victoria at Manosca ang gintong medalya sa open women’s air rifle at open men’s air pistol event, ayon sa pagkakasunod, habang sina Padilla, Eufemio at Valdez ay naka-silver naman sa open women’s air pistol, open women’s air rifle a open men’s air rifle, ayon sa pagkakasunod.

“These youngsters have shown tremendous improvement since we launched the NYDP (National Youth Development Program) last year,’ wika ni 15-time Southest Asian Games performer at NYDP chairman Nathaniel ‘Tac’ Padilla, na umaasiste kay PNSA president Art Macapagal sa pagpapanatiling nasa tamang daan ang shooting.

Ang iba pang gold medalists ay sina Cyril Michael Libarnes, 264 air pistol (men,14-17) beginners, Jiggs Sioson, 479 (14-17 men’s air rifle) w/out jacket, Kristine Gino, 267 (14-17 women’s air rifle) beginners, Jeffrey Marcos, 264 (14-17 men’s air rifle) beginners, Joshua Esteves, 256 (men’s air rifle-13 and below),at Angela Monastrial, 289, women’s air rifle-13 and below).

Show comments