^

PSN Palaro

Laban ni Donaire kay Martinez sa Abril 19 na

-

Wala nang magagawa si Filipino world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. kaugnay sa pagkakalipat ng petsa ng kanyang title defense kay Mexican challenger Raul “Cobra” Martinez.

Sinabi kahapon ni Donaire na wala pa rin siyang nalalaman na tunay na dahilan kung bakit inilipat sa Abril 19 ang kanilang banggaan ni Martinez mula sa orihinal na Marso 22 sa Araneta Coliseum.

“It happens and sometimes parang frustrating. But it’s God’s will at wala na akong magagawa doon,” wika ng 26-anyos na tubong General Santos City na si Donaire sa pagkakaantala ng pagdedepensa niya ng kanyang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight titles kontra sa 27-anyos na si Martinez.

Ang laban kay Martinez ng Houston, Texas ang siyang pangatlong title defense ni Donaire makaraang talunin si Mexican Luis Maldonado via eight-round TKO noong Disyembre 1 ng 2007 at kay South African Moruti Mthalane via sixth-round TKO noong Nobyembre 1 ng 2008.

“There’s a lot of claims na sabi nila ‘yung sponsor nagbackout daw and on the promoter side naman parang may problema daw sila financially,” ani Donaire, nasa Top Rank Promotions ngayon ni Bob Arum mula sa Showtime Promotions ni Gary Shaw. “Maraming speculations but nothing is really certain.”

Halos dalawang buwan nang nagsasanay si Donaire sa ilalim ng magkakapatid na Gerry, Dodie Boy at Jonathan Peñalosa sa Baguio City para sa laban kay Martinez.

“I think it’s financial. The fight has been on for quite awhile and then ganito ang nangyari,” sambit ni Donaire, makakasabay ang paghahamon ni Brian Villoria kay Mexican light flyweight titlist Ulises “Archie” Solis sa Abril 19 sa Big Dome.

Hangad ni Villoria, dating light flyweight ruler ng World Boxing Council (WBC), na maagaw ang IBF light flyweight belt ni Solis. (RCadayona)

ABRIL

ARANETA COLISEUM

BAGUIO CITY

BIG DOME

BOB ARUM

BRIAN VILLORIA

DODIE BOY

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GARY SHAW

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with