Pinoys may mataas na IQ sa basketball
MANILA, Philippines - “Filipino players have high basketball IQ.”
Ito ang sinabi ni Jr. NBA coach Frank Lopez Jr., sa may 40 na batang cagers na kasali sa Jr. NBA National Training Camp sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong. Nasa pinal na yugto na ang national training camp na ipiniprisinta ng Hi-Smart.
“They can easily absorb principles and skills being taught to them at the camp. They’re quick on the pick-up, and they don’t just have the skills; they understand that there are more aspects to the game than just scoring. Above all, I am amazed at their passion,” ani Coach Frank.
Sinabi ng US-trained coach para sa Jr. NBA camp na may napipisil na siya at ang kanyang mga assistant coach sa mga lumahok para sa pagbuo ng team na lalaban sa US Jr. NBA Team.
“The US Jr. NBA kids who are mostly in middle school are already very skilled in this game. But I am confident that the kids from the Philippines can face up to them. They really learn fast and well,” ani Lopez.
Ang Jr. NBA Training Camp ay may ipagmamalaki ng batang cagers na kinilala ang talento ng ilang basketball league at organization. Ang isa naman ay nagdraft na sa youth national team na lalahok sa Singapore ngayong buwan. Ang isa naman ay MVP ng Jr. PBA at inaalok ng athletic scholarship sa Guam. Ang isa pa ang nagniningning naman sa provincial tournaments at nakasama sa Mythical Five ng Cebu Schools Athletic Foundation, Inc (CESAFI). Ang iba naman ay inaasinta na para sa national team pool. Sa mga batang may edad na 12-14 anyos, ngayon pa lang ay inaasinta na ng collegiate teams.
Ang anim na batang campers ngayon na pinakamahusay sa lahat ang makakabilang sa Jr. NBA Philippines Team na tutungo sa Abril papuntang New York at New Jersey para sa kanilang kauna-unahang karanasan sa live NBA game at makalaban ang US Jr. NBA Team.
- Latest
- Trending