PBA imports pasado lahat sa height limit
Kumpiyansa si Tiras Wade na malaki ang magagawa niya para sa Talk N Text at umaasang makakatrabaho ng husto ang Tropang Texters para sa pag-asinta ng posib-leng sweep sa dalawang kampeonato sa kanilang kampanya sa 2008-09.
“(Talk N Text’s chance for a season sweep) is kind of good. The team’s confidence is high coming from a run (Philippine Cup championship) like that. We’re bringing the same winning attitude in this tournament,” wika ni Wade na makikipagbanggaan sa ibang imports sa Motolite PBA Fiesta Conference nang iprisinta sa press conference sa PBA office sa Libis, Quezon City kahapon.
Sa naturang press conference, pormal na inihayag ni PBA commissioner Sonny Barrios ang pagtataguyod ng Motolite sa season-ending import-reinforced tourney.
“We’ve been involved in the three “Bs” boxing, basketball and billiards. We’ve decided to focus on basketball this time as we want a visible role. We want to help promote the league through our branches nationwide specially on the grassroots level,” wika ni Motolite vice-president for marketing Ernest Estrera.
Opisyal ding sinukatan ang mga import na ipinakilala sa press, at lahat ay nakapasa sa sukat na 6-foot-6 height limit.
Si Shawn Daniels ng Burger King ang pinaka-matangkad sa sukat na 6-foot-5 5/8 habang si Barako Bull’s Scooter McFadgon ang pinaka-maliit sa taas na 6-foot-3 13/16. ang iba pang import at ang kanilang mga sukat ay sina Ginebra’s Rod Nealy na may 6-foot-5 1/16, Sta. Lucia’s Anthony Johnson 6-4 15/16, Purefoods’ Brian Hamilton 6-foot-4 3/4, Rain or Shine’s Charles Clark 6-foot-5 1/4, San Miguel’s Nate Carter 6-foot-5 1/16, Coca-Cola’s J.J. Sullinger 6-foot-4 1/4 at Wade 6-foot-5 3/8.
Hindi nakasama si Galen Young ng Alaska dahil nakatakda palang itong dumating ngayon.
- Latest
- Trending