^

PSN Palaro

Padilla kuwalipikado na sa Laos SEA Games

-

Nahigitan ni National champion Nathaniel ‘Tac’ Pa­dilla ang gold-medal per­formance ni Ruengpanya­wut Opas ng Thailand ka­makailan at maging kauna-unahang shooter na nag-qua­lify para sa Philippine team na isasabak sa Laos Southeast Asian Games nga­yong taon.

Nasikwat ng 44-anyos na si Padilla ang kanyang ika-16th SEAG stint sa pag­putok ng 572 puntos sa rapid fire pistol event sa isinaga­wang buwanang qualifying competition sa PSC/Mari­nes range sa Taguig City.

Ang inilistang tama ni Padilla ay kapos lamang ng isang puntos para sa kan­yang national mark na kan­yang naiposte noong naka­raang taon na tournament na inorganisa ng Philippine National Shooting Associa­tion sa pangunguna ni Ar­turo R. Macapagal.

Tinalo ni Padilla sina Roberto Donalvo ng 32 pun­tos at ang kanyang kapatid na si Donald ng 34 puntos.

Umangat naman sina Carolino Gonzales, Ruth Ricardo at Edwin Fernandez sa men’s air pistol, women’s air pistol at men’s 50-meter rifle (prone) events, ayon sa pagkakasunod, subalit lahat sila ay nabigo at na-kakuha lamang ng silver medal criteria ng nakaraang taong SEAG na magkatulong na idinaos ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission.

CAROLINO GONZALES

EDWIN FERNANDEZ

LAOS SOUTHEAST ASIAN GAMES

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROBERTO DONALVO

RUTH RICARDO

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with