Sabal sa Puerto Princesa, Buncit sa GenSan

PUERTO Princesa City, Philippines - Nagpakita ng kahusayan si Elmer Sabal at mapagwagian ang Palawan leg ng 33rd National Milo Marathon elimination na nagsimula at nagwakas sa Mendoza Park, habang nagwagi naman si Junel Buncit sa General Santos leg at nagningning naman si Monalisa Ambasa sa kababaihan sa Tuna capital ng bansa.

May kabuuang 6,000 ang lumahok sa Palawan leg na ginanap sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Manila.

Pumangalawa naman si 3-time champion Ruben Samuya (1:15.16) na nagkakahalaga ng P7,000 at makasama si Sabal finals. Ikatlo si Marco Laipan pero hindi umabot sa standard time.

Wala namang babaeng nakapasok bagamat napagwagian ni Bernardita Mag-aso ang ladies division.

Show comments