^

PSN Palaro

P6.5 milyon hiling ng PAJA para sa Asian Martial Arts Games

-

MANILA, Philippines - Ang delegasyong lalahok sa darating na 1st Asian Martial Arts Games na nakatakda sa Abril  25 hanggang Mayo 3 sa Bangkok, Thailand ang posibleng unang dadaan sa pinahigpit na patakaran ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping.

Humihingi ang nasabing national contingent, pinamumunuan ni Philippine Amateur Judo Association (PAJA) president David Carter, sa PSC ng halos P6.5 milyon bilang pondo para sa pagsali sa naturang kompetisyon.

“I have not talked with Mr. Angping about our request but I’m hoping our new PSC chairman will consider our request considering this Asian Martials Arts Games will be used by our athletes as exposure for the upcoming 25th Southeast Asian Games in Laos,” katuwiran ni Carter.

Sa kanyang pag-upo bilang bagong PSC chief, sinabi ni Angping na magiging mahigpit siya sa pag-apruba ng pondo ng mga National Sports Associations (NSA)s na gustong lumahok sa ilang international tournaments.

Ayon kay Angping, gusto muna niyang malaman ang tsansa ng nasabing NSAs bago ito bigyan ng tulong-pinansyal.

“There are at least 113 events at stake but we are not predicting how would are athletes would perform since it is the initial staging of this higher level of competition,” dagdag ni Carter sa kompetisyong naghahanay ng mga sports na taekwondo, judo, karatedo, wushu, muay, kickboxing, pencak silat, kurash at jiujitsu.

Maliban sa 1st Asian Martial Arts Games, nakatakda ring sumabak ang bansa sa 1st Asian Youth Games sa Hulyo, sa 3rd Indoor Games at sa 25th Southeast Asian Games.

Naglatag na ang sports commission ng pondong P30 milyon para sa partisipasyon ng delegasyon sa 2009 Laos SEA Games sa Disyembre. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ANGPING

ASIAN MARTIAL ARTS GAMES

ASIAN MARTIALS ARTS GAMES

ASIAN YOUTH GAMES

DAVID CARTER

GAMES

HARRY ANGPING

INDOOR GAMES

MR. ANGPING

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with