UP, UE at RTU spikers wagi

MANILA, Philippines - Binalewala ng mga spikers mula sa University of the Philippines, University of the East at Rizal Technological University ang malakas na hangin ng igupo nila ang kani-kanilang kalaban sa panimula ng 2009 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament sa sand courts ng University of the East-Caloocan campus.

Nangailangan ng extra effort sina Leah Acepcion at Rebecca Gail Montero bago tuluyang ginapi ang UE pair nina Jimberly at Maan Soriano, 24-22.

Binawian naman nina first-leg winners Ginaflor Alanguilan at Abigail Escando ang tambalan nina Pauline Genido at Southlyn Ramos ng UP, 21-14.

Sa kabilang dako, nagpamalas ng husay sa laro ang pares nina Marichelle Tagudin at Claire Ann Cagampang ng RTU tungo sa 21-11 panalo sa tambalan nina Jonalyn Garfin at Ma. Francesa Demerin ng Technological Institute of the Philippines. sa dalawang araw na event na ito na hatid ng Petron, Mikasa, Speedo at UE-Caloocan athletic department.

Ang magwawagi ay tatanggap ng P10,000 at awtomatikong tiket sa Battle of the Champions sa pagtatapos ng season.

Show comments