Milo Marathon tatakbo sa Gen. Santos at Puerto Princesa
MANILA, Philippines - May kabuuang 12,000 runners ang inaasahang tutugon sa starting gun ng twin elimination leg ng 33rd National MILO Marathon sa Gen. Santos City at Puerto Princesa City sa Linggo, Pebrero 22.
Ang tampok na karera sa naturang yugto ng pangunahing foot race na ginaganap sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Manila ay ang 21K qualifying run kung saan ang mga kalalakihan ay kailangang makatapos sa karera ng may isang oras at 15 minuto para maging kuwalipikado sa grand finale na nakatakda sa Oktubre 11 sa Metro Manila.
Ang qualifying time naman sa kababaihang 21K runners ay isang oras at 35 minuto.
Karamihan sa parti-sipante ay kasali sa side events na 10K, 5K at 3K.
Ang defending champion sa GenSan ay sina Junel Boncit at dating Milo marathon queen Estela Diaz habang sina Ruben Samuya at Ira dela Rosa naman sa Palawan.
Inimbitahan na magpaputok ng starting gun sa Tuna Capital ng bansa sina Mayor Jun Acharon, vice mayor Florentina Congson, councilors Jane Calunsag at Meggy Santos.
Sa kabilang dako, si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, ang magbibigay ng senyales sa mga runners sa harap ng Mendoza Park sa eksaktong alas-5:30 ng umaga.
- Latest
- Trending