^

PSN Palaro

Pacquiao at iba pang personalidad Sa PSA Awards Night

-

MANILA, Philippines - Magsasama-sama ngayong gabi ang mga matitikas ng Philippine sports noong 2008 sa pagbibigay ng parangal sa kanila sa isang simpleng dalawang oras na seremonya sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion Hotel.

Babandera ang boxing superstar na si Manny Pacquiao, ang world’s best pound-for-pound fighter sa ngayon, sa 60-man honor roll list kung saan siya ay pagkakalooban ng pinakamataas na award—ang Athlete of the Year.

 Ang ring hero mula sa General Santos City ay nagwagi sa kanyang tatlong laban sa iba’t ibang weight division, kabilang ang di malilimutang eight round stoppage kontra sa legendary na si Oscar Dela Hoya.

Bukod sa pagtanggap ng Athlete of the Year award, ang 30-anyos na si Pacquiao ay iluluklok rin sa PSA Hall of Fame.

Ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan ang guest of honor at speaker sa special program na magsisimula sa alas-8 ng gabi at makakasama niya ang mga top sports leaders ng bansa sa pangunguna nina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping at Interna-tional Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Frank Elizalde.

Tatanggapin rin ni Pangilinan ang Sports Patron of the Year award.

Sa pangunguna nina reigning Women’s World Cup Golf champion Jennifer Rosales at Dorothy Delasin, tatanggap din ang 11 personalidad ng major award mula sa pinakamatandang media organization sa bansa na hatid ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at ieere ito ng live ng DZSR Sports Radio 918.

Ang mga major awardees ay kinabibilangan ng dalawang iba pang golfers—sina Angelo Que at Dottie Ardina, cager Kelly Williams, young chess grandmaster Wesley So, wushu bet Willy Wang, pool star Dennis Orcollo, world champion Nonito Donaire Jr, champion jockey Jonathan Hernandez at horses Go Army at Ibarra.

Napili naman ngayong taon si Senator Manny Villar para sa President’s Award, habang ang Outstanding National Sports Association (NSA) ay mapupunta sa Wushu Federation of the Philippines.

Magkasalo naman sina basketball star Norberto Torres at golfer AR Ramos sa Siddayao Award na ibibigay rin sa nasabing programa na suportado rin ng Villar Foundation, Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Shakey’s, Accel, PBA, PBL, NCRAA, PCSO, SBP, Purefoods, Ginebra, Alaska, Sta. Lucia, Rain or Shine, Ever Bilena, Harbour Centre, Liga Pilipinas, Secretary Lito Atienza, Pharex, GAB at Mighty Sports Association.

ALEGRIA LOUNGE

ANGELO QUE

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATHLETE OF THE YEAR

DENNIS ORCOLLO

DOROTHY DELASIN

DOTTIE ARDINA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with