^

PSN Palaro

PBA provincial games inihayag

-

Muling bubuksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang import-laden Motolite-PBA Fiesta Conference sa solong opening game sa probinsiya sa pagitan ng Burger King at Sta. Lucia sa Pebrero 28.

Ang Dumaguete City ang magsisilbing host sa duelo sa pagitan ng Realtors at Titans sa una sa walong larong nakatakda sa probinsiya sa season-ending tournament.

Noong nakaraang taon, ang Fiesta Cup ay nilaro din sa labas ng Metro Manila nang magharap ang Coca-Cola at Talk N Text sa Panabo City, Davao Del Norte.

Dagdag interest sa tip-off match ay ang pagde-debut ni coach Yeng Guiao, na siyang gigiya sa Burger King, ang dating Air21 Express.

Pagkalipas ng isang linggo (Marso 7) tutungo naman ang torneo sa Batangas City sa engkuwentro ng Purefoods at Rain Or Shine. Inaasahang ipaparada ng Giants ang bagong kuha na sina Don Allado at KG Canaleta kontra sa mas bata at promising Elasto Painters na binabanderehan ng rookie tandem nina Gabe Norwood at Sol Mercado.

Makakaharap naman ng bagong Philippine Cup champion na Tropang Texters ang Titans sa Marso 14 ngunit hindi pa alam kung saang lugar.

Ang susunod na biyahe ng liga ay sa Victorias City, Negros Occidental sa Marso 21 kung saan susubukan ng Giants ang Rain Or Shine bago iselyo ng Red Bull at Ginebra ang out-of-town sorties sa Davao sa Marso 28.

 “We expect to get the same warm reception the PBA always receive from the fans whenever it brings its game to the provinces,” wika ni league commissioner Sonny Barrios.

Haharapin naman ng San Miguel sa kanilang unang provincial game ang Rain Or Shine sa May 2 sa Tacloban, habang ang Coca-Cola naman ay makakalaban ng Talk N Text sa Bohol sa May 9.

Magtatagpo naman ang Alaska at Ginebra sa Legaspi City sa May 16.

ANG DUMAGUETE CITY

BATANGAS CITY

BURGER KING

COCA-COLA

DAVAO DEL NORTE

DON ALLADO

ELASTO PAINTERS

MARSO

RAIN OR SHINE

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with