^

PSN Palaro

Pacquiao pinapahalagahan ni Direk Caparas

-

Hanggat maaari ay igagalang ni film at television director Carlo J. Caparas ang panahon ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa boxing at sa showbiz.

Ito ang sinabi kahapon ni Caparas sa panayam ni Snow Badua sa DZSR Sports Radio kaugnay sa pagganap ng world four-division champion sa kanyang sariling karakter sa television soap na “Totoy Bato” ng GMA Channel 7.

“May oras rin siya sa shooting dahil hindi siya puwedeng abutin ng gabinggabi at hindi rin siya puwedeng masyadong maaga dahil may training schedules or regimen siyang sinusunod,” wika ni Caparas kay “Pacman”.

Kasama ni Pacquiao sa “Totoy Bato” ang bidang si Robin Padilla bukod pa sa beteranong si Eddie Garcia sa ilalim ng direksyon ni Mac Alejandre.

“Kasi ako ito. Kailangan kong galingan, ipakita sa tao na ‘yung talagang puso ni Manny Pacquiao,” sabi ng 30-anyos na si Pacquiao, nagbida na rin sa ilan niyang pelikula na ang huli ay ang “Anak ni Kumander” kung saan niya nakatambal si Ara Mina.

Nakatakdang kunan ang eksena ng 30-anyos na si Pacquiao sa Binondo ngayong araw, ayon kay Caparas, ang nobelista ng “Totoy Bato”. 

“We give him the full respect pagdating sa shooting since siya ang national treasure natin at hindi kami gagawa ng anumang bagay na makakaapekto sa pagboboksing niya,” wika ni Caparas kay Pacquiao, nakatakdang magtungo sa Los Angeles, California sa Pebrero 24 para simulan ang pagsasanay sa kanilang laban ni Briton Ricky Hatton.

Magtatagpo sina Pacquiao at Hatton sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. 

Kamakailan ay napaulat na kinukuha ni Hollywood actor Sylvester Stallone si Pacquiao para sa gagawin nitong pelikula na halos kapareho ng blockbuster action/comedy movie na “Rush Hour” nina Jacky Chan at Chris Tucker.

“Of course, napakalaking improvement ito sa acting ni Manny kung mabibigyan siya ng pagkakataon sa Hollywood,” ani Caparas. “Pero kung alam niyang makakasira naman sa boxing career niya, pagisipan niya ng mabuti.”

Sumikat ang Italian actor na si Stallone sa paggawa ng pelikulang “Rocky” kung saan niya ginampanan ang karakter ng isang nagsusumikap na professional boxer na nagngangalang Rocky “The Italian Stallion” Balboa. (Russell Cadayona)

 

ARA MINA

BRITON RICKY HATTON

CAPARAS

CARLO J

CHRIS TUCKER

PACQUIAO

TOTOY BATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with