^

PSN Palaro

Batangas Leg title naidepensa ni Bolivar; Sawin-ay nanguna naman sa Iligan

-

MANILA, Philippines - Matagumpay na naidepensa ni Alquin Bolivar ang kanyang korona sa Batangas City ng 33rd National Milo Marathon ngunit naagaw pa rin ni six-time national champion Roy Vence ang eksena sa 21K qualifying run.

Naungusan ni Bolivar si Gerald Sabal sa final hundred meters ng karera upang angkinin ang kanyang ikatlong Milo Marathon leg title.

Nakuha ni Vence ang maagang bentahe para ipakita kina Bolivar at Sabal ang pagtakbo ng long distance.

Si Bolivar na nanguna din sa elimination race sa Lucena noong 2005 ay nagtala ng isang oras, 12 minuto at 23 segundo habang ang pumangalawang si Sabal ay dumating makalipas ang dalawang segundo. Nagtapos na ikatlo si Vence at ang ikaapat naman ay si Darwin Lim. Lahat sila ay kuwalipikado sa finals.

Sa kababaihan, isang runner lamang ang nakalusot sa cut-off time na 1:35.00 at ito ay si Marciel Maquilan na nanguna. Pumangalawa naman si Ellen Tolentino at ikatlo si Janeth Lopena.

Sumali din ang palagiang tumatakbo na si Senator Pia Cayetano na naorasan ng 2:02.57.

Sa Iligan City, kumawala si Roger Sawin-ay mula sa dalawang karibal sa huling 500 meters upang mapagwagian ang Iligan Leg na kasabay na ginanap kahapon sa Iligan City Freedom Park Plaza.

Sama-sama sina Sawin-ay, Jeffrey Sotto, at Edgar Lapastigue na kumawala sa main pack at nag-iisang nakalagpas sa finish line sa tiyempong 1:15.10.

Pumangalawa si Edgar Lapastigue (1:19.59) at ikatlo si Primo Baretos (1:20.55).

Nagreyna naman si Cecile Faith Topia, sa kababaihan sa kanyang nairehistrong oras na 1:40.56 at mapagwagian din ang P10,000. Pumangalawa naman si Mely May Canamo 1:51.14 .

Nagwagi naman si Mark Glenn Arellano sa 10K sa oras na 35.13 habang si Jamaica Rivera ang sa kababaihan sa 1:22.13.

ALQUIN BOLIVAR

BATANGAS CITY

CECILE FAITH TOPIA

DARWIN LIM

EDGAR LAPASTIGUE

ELLEN TOLENTINO

GERALD SABAL

ILIGAN CITY FREEDOM PARK PLAZA

ILIGAN LEG

PUMANGALAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with