Manila Bay Seasports Festival

MANILA, Philippines - Mga pangunahing atleta ng bansa ang magtatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Fes­tival sa Marso 21-22.

Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pa­kikipagtulungan ng Philip­pine Coast Guard, ang 2009 Manila Bay Seasports Festi­val ay itatampok ang pinag­halong koponan ng mga lala­ke’t babae sa Dragon Boat Ra­ce at mga batikang bang­kero mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.

Mahigit sa kalahating milyong piso ang nakalaang papremyo sa mga karera kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakai­bang bilis at lakas ng mga ti­naguriang atletang dagat.

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock for­mula races ng tinaguriang ‘bancathon.’ Ang mga intere­sadong gustong sumali ay tu­mawag lamang kay Lida Aquino sa numero 832-6105 o 832-6127. First-come-first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok na sisimulan sa Pebrero 17.

Show comments