^

PSN Palaro

POC at PSC sabay nagpatawag ng miting sa mga NSAs

-

MANILA, Philippines - Inaasahang lalo pang magpapa-init sa kumukulong relasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang mga pulong na kanilang ipinatawag ngayong araw sa hanay ng mga National Sports Associations (NSAs).

 Isang ‘get together’ ang itinakda ni PSC chairman Harry Angping sa pangulo ng mga NSAs, samantalang ser-yosong pulong naman ang pakay ni POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr.

 “It is our first ladder to meet all the NSA presidents and I will be very happy to sit down with Chef De Mission Mario Tanchangco,” wika ni Angping. “I chose February 12 , kasi malapit na sa Valentine’s Day -- the day of the hearts. So let’s have a heart to heart talk.”

 Gusto ni Angping, opisyal na umakto bilang bagong chairman ng sports commission noong Pebrero 1 kapalit ni William “Butch” Ramirez, na makausap ang bawat pangulo ng sports association.

 Kasama na rin rito si Tanchangco na siya namang iniluklok ni Cojuangco bilang chief of mission ng Team Philippines na ilalahok sa darating na 25th Southeast Asian Games sa Laos.

 Sa panig naman ng POC, nais ni Cojuangco na malaman sa mga NSAs na kasali sa 2009 Laos SEA Games ang mga pangangailangan at medal projection ng mga ito.

Samantala, pinahahanap na ng Fil-Chinese Athletic Federation si Angping ng isang three-hectare lot na siyang pagtatayuan ng mga makabagong football field, track and field stadium at swimming pool.

 “They asked me to look for a piece of property na three hectares. They will put up a modern football field, track and field stadium and swimming pool center,” ani Angping sa nasabing grupo. “There will be no expenses on the part of the government.” (Russell Cadayona)

ANGPING

CHEF DE MISSION MARIO TANCHANGCO

COJUANGCO

FIL-CHINESE ATHLETIC FEDERATION

HARRY ANGPING

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with