^

PSN Palaro

Suporta ng Malacañang sa PSC, krusiyal sa Olympic bid ng bansa

-

Hiniling ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero sa Malacañang na ibigay ang lahat ng kanilang makakayang suporta sa bagong hirang na chairman ng Philippine Sports Commission na si Harry Angping, dahil nakasalalay sa kanyang kamay ang magiging performance ng bansa bagamat limitado lamang ang tsansang magwagi sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Laos.

Sinabi ni Escudero na ang Laos SEA Games sa Disyembre ay short-term target lamang kung saan ang 2012 Olympics sa London ang pangunahing pagtutuunan ng pansin sa pagpapalakas ng bansa.

Ayon sa batang mambabatas, ang Pangulong Arroyo ang pinakamalaking sandata sa magiging tagumpay ng short-term ni Angping bilang PSC chief, kung maku-kumbinsi niya ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na ibalik sa dating buong limang porsiyentong remittance sa gross income sa PSC batay sa Republic Act 6847 o batas na nagsilang sa PSC noong 1990.

“Otherwise, Chairman Angping will only encounter the same problems faced by past PSC chairmen William Ramirez and Carlos Tuason,” wika ni Escudero. “If it can’t be done, sayang naman ang pagpapalit ng liderato sa PSC.”

“Expectations are very high on the new PSC leadership. We expect fresh ideas and reivigorated approach to various national sports programs under Chairman Angping, but if the PSC will continue spreading its resources very thin, then parang wala rin namang nagbago,” ani pa ni Escudero.

Inaasahang magsisilbi si Angping ng hang-gang dalawang taon sa PSC dahil inaasahan na ang PSC revamp pagkatapos ng May 2010 presidential election.

“That is why we are batting for a fixed term for the PSC chairman, para hindi nai-interrupt ang mga projects ng PSC,” wika ni Escudero.

“Madalas, we change horses in midstream. So, along with the leadership changes, nagbabago din ang takbo ng mga proyekto. We’ve observed the same thing happened in sports. Sana lang ay maituloy at mapalakas pa ang mga proyekto para sa ating kampanya para sa Olimpiyada,” dagdag pa ni Escudero.

Sinabi rin ni Escudero, na ang suporta ng PAGCOR ay krusiyal sa ambisyon ng bansa sa Olimpiyada.

“We’ve read about former Chairman Ramirez’s gripes, or regrets as he called it. May they serve as a wake up call for our officials and PAGCOR. Kapag walang suporta, mahirap talagang manalo ng ginto sa Olympics,” ani Escudero.

vuukle comment

ANGPING

CHAIRMAN ANGPING

CHAIRMAN RAMIREZ

ESCUDERO

HARRY ANGPING

OLIMPIYADA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with