Tatlong panalo sa iba’t ibang weight classes kabilang ang dalawang nakopong korona at dominanteng performance laban sa isa sa boxing’s of all time greats.
Ang lahat ng ito ay nagawa ni Manny Pacquiao sa loob lamang ng 12-buwang paglaban, ang nagbigay sa kanya ng malakas na laban para pangunahan ang pagpili ngayong taong para sa karangalan ng top athlete.
Sa katunayan, wala ng dapat paglabanan.
Dahil nagkakaisang napili ng Philippine Sportswriters Association (PSA), ang pinakamatandang media organization sa bansa ang pagkakapili kay Pacquiao bilang Athlete of the Year ng 2008 matapos ang kanyang maningning na tagumpay sa ibabaw ng lona at pagkakalagay sa kanya ng Philippine boxing sa pinakamataas na antas.
Ang 30-anyos na boxing icon mula sa General Santos City ang pinakamahusay na sports personality at entities ngayong taon ang pararangalan sa SMC-PSA Annual Awards Night sa Pebrero 20 sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion Hotel.
Ito ang ikalimang pagkakataon na ang 60 anyos na media group na binubuo ng editors at mga sportwriters mula sa iba’t ibang national broadsheets at tabloids, na ibibigay nila kay Pacquiao ang pinakamataas na award na una ng naibigay sa kanya noong 2002-04 at 2006.
Kasabay nito, iluluklok rin ng PSA ang four time world champion sa Hall of Fame, na naglagay sa kanya bilang kauna-unahang Filipino athlete na pinagkalooban ng nasabing karangalan habang siya ay nasa peak pa ng kanyang career.
Ang mga nakaraang PSA Hall of Famers ay kinabibilangan nina Paeng Nepomuceno at Bong Coo, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro boxers Pancho Villa at Gabriel ‘Flash’ Elorde, amateur boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco, tracksters Lydia De Vega at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon, Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at golfers Ben Arda at Celestino Tugot.
“Manny Pacquiao has all the mark of a great athlete that while he’s still active fighting, he already deserved to be a Hall of Famer,” ani PSA president Aldrin Cardona ng Daily Tribune.
Sinimulan ng Filipino southpaw ang taon sa sunod sunod na panalo, umiskor ng manipis na split decision na panalo laban sa Mexican rival na si Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada upang masikwat ang World Boxing Council (WBC) super-featherweight belt.
Makalipas ang tatlong buwan, idinagdag ni Pacquiao ang WBC lightweight crown sa kanyang collection sa pag-knockout naman kay David Diaz sa ninth round ng kanilang title showdown sa kanyang unang tangka sa 135-pound division.
Ang panalo ang nagbigay sa boxing idol ng kanyang ikaapat na world title, na naglagay sa kanya bilang unang Pinoy at Asian boxer na nanalo ng korona sa apat na magkakaibang weight classes matapos na maunang maghari sa flyweight at super-bantamweight divisions.
Ang lahat ng ito ay hindi pa sapat para kay Pacquiao.
At isa sa kanyang maningning na upsets sa kasay-sayan ng boxing, sinalanta ng husto ni Pacquiao ang boxing star na si Oscar De La Hoya, na nagpakulimlim sa boxing career ng tinaguriang ‘Golden Boy’.