^

PSN Palaro

Isaac coach ng Red Bull

-

Pormal na inihayag ng Red Bull management ang paghirang kay dating PBA player Leo Isaac bilang bagong head coach ng Barakos sa susunod na kumperensiya ng PBA.

Ipinatawag kahapon ni team owner George Chua ang lahat ng mga players na may kontrata sa Red Bull upang pabulaanan ang balitang magdi-disband ang team at ipinakilala si Isaac bilang bagong head coach.

“We’re happy to announce the appointment of Leo Isaac as our new head coach,” wika ni Chua.

Si Isaac ay dating assistant ni coach Bo Perasol sa Air21. Ngunit nang magpalit ng pangalan ang Express sa Burger King nagpalit na rin sila ng coach sa katauhan ni Yeng Guiao, habang si Perasol naman ay naging assistant ni Coca-Cola head coach Kenneth Duremdes.

Si Isaac din ang dating head coach ng Mapua Cardinals sa NCAA at kasalukuyang head coach at athletic director ng Arellano University na pumapasok naman sa NCAA ngayong taon.

Masakit para kay Isaac ang pagbibitiw niya bilang coach ng Cardinals na dalawang taon niyang hinawakan at dalawang beses din niyang naigiya sa Final Four.

“This is a once in a lifetime opportunity at ayokong palagpasin. Ilan taon na rin naman akong humawak ng team sa PBL, NCAA, NCRAA and I guess it’s time to get into the next level now that the break is here,” wika ni Isaac sa pagkakapili sa kanya ng Red Bull. (Nap Gutierrez)

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

BO PERASOL

BURGER KING

COACH

FINAL FOUR

GEORGE CHUA

ISAAC

LEO ISAAC

RED BULL

SI ISAAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with