^

PSN Palaro

Tacuyan, Suarez nakasiguro ng bronze

-

BACOLOD City--Humatak ng magkaibang panalo sina lightweights Orlando Tacuyan, Jr. ng Himamaylan at Charly Suarez ng Army upang makasiguro ng bronze medal sa 2009 Smart National Amateur Boxing Championships sa NOMPAC dito.

Nangailangan lamang ng dalawang minuto si Tacuyan upang dispatsahin si Reynante Buctot ng Cebu City habang ginapi naman ni Suarez si 2007 Thailand Southeast Asian Games silver medalist Junel Cantancio ng Navy, 13-4, upang isaayos ang kanilang semifinal showdown.

Dinomina naman nina featherweight Joan Tipon at flyweight Rey Saludar ng Army ang kani-kanilang kalaban sa isang linggong event na ginagamit bilang pagdiskubre ng mga bagong talento.

Tinalo ni Tipon, 2006 Doha Asian Games gold medalist si Benedict Vergara ng Lucena, Quezon habang ginapi naman ni Saludar si Carlo Manquito ng Iloilo, 94-35 para makausad sa quarterfinals.

Umusad din si Joegin Ladon nang manaig ito via walkover kay Alvin Brevonig ng Tayabas, Quezon upang isaayos ang pakikipagtagpo kay Robert Alcala ng Sarangani, na nanaig kay John Dalingay ng Western Vizcaya.

Sa youth division, nanaig si Joemarie Galido ng Bago City kay Jason Calaba ng Bacolod-B habang dinispatsa ni Wilbert Loberamis ng Tagbilaran si Janray Sta. Ana ng Cebu City.

Nagdiwang ang host city nang manaig ang kanilang pambato na si Alvin Sibugan kontra kay Fernando Tacuyan upang isaayos ang pakikipagtipan kay Arnel Jan Llamas ng Masbate na nanaig kay Mark Junil Pacyao.

Ang iba pang nakapasok ay sina cottonweight Gerald Pangarutan ng Bacolod A na namayani kay Jason Geronela ng Silay City at lightweight Remacar Macuna ng Bacolod A laban naman kay MIke Angelo Cortez ng Iligan City.

ALVIN BREVONIG

ALVIN SIBUGAN

ANGELO CORTEZ

ARNEL JAN LLAMAS

BACOLOD A

BAGO CITY

BENEDICT VERGARA

CARLO MANQUITO

CEBU CITY

KAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with